Simpleng resignation letter, kinaaliwan ng mga netizens

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang isang resignation letter na ibinahagi ng isang Facebook user
  • Napakadirekta at walang pasintabi kasi ang mensahe nito para sa employer
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens

Mahalaga ang trabaho sa isang tao, lalo na kung siya ang itinuturing na “bread winner” o tagapagtaguyod ng kaniyang pamilya. Subalit minsan, dumarating sa puntong kinakailangan niyang mag–resign o magbitiw sa kaniyang tungkulin, kung naghahanap siya ng trabahong mas malaki ang suweldo, mas may malaking oportunidad, o kung hindi na masaya.

Kaya naman, nagbunsod ng katatawanan para sa mga netizens ang kumakalat na isang resignation letter na ibinahagi sa isang Facebook post ng isang nagngangalang “Geovanni”.

Ang sumulat umano ng resignation letter ay si “Jepson Amoroso”. Sinunod naman nito ang format ng isang liham, subalit ang hindi kinaya ng mga netizens, ang direktang pagsasabi nito na “I resign”. Hindi man lamang ipinaliwanag ang dahilan, at hindi man lamang nagpasalamat sa boss.

Imahe mula sa Facebook account ni Geovanni Ababat

Bagama’t hindi nakumpirma kung totoo ba ang resignation letter o hindi, umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

Turan ng isa, “Ganiyan ba talaga ang resignation letter? Direct to the point. Wala nang pasakalye. Rekta kung rekta, hahahaha. For our reference daw ito hahaha.”

“Ganito ang dapat ipasang resignation. Simple pero rock, hahahaha! Ewan ko na lang kung hindi ka talaga palayasin ng employer mo kapag ganito ang resignation letter,” sabi naman ng isa.

Komento naman ng isa, “May karapatang mag–resign ang bawat empleyado hahaha. Pero sana naman, maayos pa rin ang pagsulat ng resignation letter. Pero sana sabihin man lang kung bakit magre–resign, o kaya magpasalamat.”

Upang maging pormal at opisyal ang resignation, kinakailangang ipaalam ito ng isang employee sa kaniyang employer sa pamamagitan ng isang liham, tatlong buwan bago ang aktwal na pagre–resign upang makapaghanda pa ang employer at makahanap ng kapalit.

Bagama’t layunin ng resignation letter ang pagpapabatid sa employer ng napipintong pagbibitiw sa tungkulin, inaasahan pa rin namang naglalaman pa rin ang katawan nito ng pagpapaliwanag sa dahilan ng pagre–resign, gayundin ang pagpapasalamat, kahit paano, sa employer.

Public Domain Image
Source :

Facebook

Loading…