Singing dog, kinagiliwan ng netizens

Imahe mula sa video ni Joris Ricalde via Facebook
  • Naaliw ang netizens sa video ng asong si Pancho na makikitang sumasabay sa Ben & Ben sa pag-awit
  • Ibinahagi ito ni Joris Ricalde sa Facebook at sinabing tumatanggap ng singing engagements — mapa-lamay, 40 days, o wedding vows renewal ang kaniyang aso
  • Marami ang pumuri sa pag-awit ni Pancho na sinasabi nilang may pus0 sa pag-awit

Bukod sa pagganap sa mahalagang role ng pagiging man’s best friend ay marami pang ibang espesyal na kakayahan ang mga aso. Ang ilan sa kanila, nakagagawa ng ilang mga tricks na tila taong nakauunawa.

Imahe mula sa Facebook | Joris Ricalde

Ang asong si Pancho, nagdala ng aliw sa mga netizens dahil sa kakaiba nitong talento — ang pag-awit.

Ibinahagi ng netizen na si Joris Ricalde ang video na magpapatunay nito, kung saan makikita ang aspin na sumasabay sa kantang “Make it with you” ng Ben & Ben.

“Tumatanggap na po si Pancho ng mga singing engagements. Okay po siya sa lamay at pa-40 days. Approved din siyang kumanta sa mga couples na magre-renew ng weddings vows kahit six months pa lang kasal,” biro ni Ricalde.

Bilang talent fee raw ay tumatanggap si Pancho ng sopas at Eggnog. Dagdag niya pa, fullybooked na raw ang kaniyang alaga ngayong Semana Santa 2020.

Patok na patok sa netizens ang video na ito na sa kasalukuyan ay may mahigit 5k reactions at 2.2k shares na. Sabi ni Lara A., “Ang cute ng technique niya ngayon, may papaos paos pa.”

Si Abi V., pinuri ang pagkakaroon ng pus0 sa pag-awit ni Pancho. Si Princess A. naman, sinabing mahusay at nasa tono raw ang aso.

Imahe mula sa Facebook | Joris Ricalde

“Panis si Marcelito Pomoy,” sabi naman ni Michael L.

Biro naman ng netizen na si Heidee C., mukhang si Pancho na raw ang napipisil na singer para sa kaniyang kasal. “Ang taas ng boses,” sabi naman ni Jacky S.

Hiling naman ng ilan, sana raw ay makagawa pa ng mas maraming song covers si Pancho.

Mukhang may bagong singing sensation na aabangan sa social media!

Source :

Facebook

Loading…