Sino ang most handsome? Mga Koreana, nagbigay ng kanilang reaksiyon sa 15 Pilipinong aktor

  • Kung may mga Pilipina na humahanga sa ilang Koreanong aktor, may mga Koreana rin ang tiyak na hahanga sa mga Pilipinong aktor kung bibigyan sila ng pagkakataon na kilalanin ang mga ito
  • Sa YouTube channel ng Korean Sibling, pinapili nila ang apat na Koreana kung sino sa 15 Pilipinong aktor ang most handsome
  • Kabilang sa mga aktor na ito sina Dingdong Dantes, James Reid, Piolo Pascual, at Alden Richards

Tampok sa vlog ng Korean Sibling YouTube channel ang ilang Pilipinong aktor kung saan pinapili nila ang apat na Koreana kung sino sa mga ito ang most handsome. Ang edad ng mga Koreana ay nasa pagitan na 20-30 taon.

Pinakitaan ang apat na Koreana ng mga larawan ng labinlimang Pilipinong aktor na sina Alden Richards, Bailey May, Coco Martin, Daniel Padilla, Dingdong Dantes, Edward Barber, EJ Falcon, Enrique Gil, Jak Roberto, James Reid, Jericho Rosales, Julian Trono, Miguel Tanfelix, Mike Tan, at Piolo Pascual.

Imahe mula sa WaP Facebook page

“Good and gentle” ang paglalarawan nila kay Alden. Kamukha naman daw ni Bailey si Justine Bieber. Habang si Coco ay may karisma ng isang ama. Mukha naman daw musikero si Daniel.

Natawa naman ang apat nang bigkasin nila ang pangalan ni Dingdong na may hawig daw kay Brad Pitt at Hugh Jackman (Wolverine).

Natuwan naman sila nang malaman na si Dingdong ang gumanap sa papel ni Song Joong-ki sa Filipino adaptation ng Descendants of the Sun.

“He has beautiful features almost like a flower,” pahayag naman ng isa nang makita ang larawan ni Edward.

Si EJ naman ay sinabihang kamukha ni Captain America, habang si Enrique ay kamukha ni Lee Min Ho dahil sa magandang ngiti nito. Si Jak naman ay kamukha raw ng Taiwanese actor na si Wang Ta Lu. Mukhang modelo naman daw si James.

Si Jericho ay may pagkakahawig daw kina Gong Too at Jude Law. Si Julian naman ay sinabihang batang-bata pa at punong-puno ng karakter. Si Miguel ay mukha raw nagbabanda.

Nagustuhan naman ng apat na Koreana ang kulay ng balat ni Mike at may pagkakahawig din daw ito kay Gong Yoo. Si Piolo naman daw ay mukhang swimmer sa lapad ng balikat nito.

Screen grab mula sa Korean Sibling YouTube video

Pinapili ang apat na Koreana ng Top 3 most handsome at sina Jak, EJ, Bailey, Daniel, Mike, Julian, Enrique ang paulit-ulit nilang binanggit. Ngunit dalawang beses na napili si Bailey bilang top 1.

Panoorin ang YouTube video ng Korean Sibling:

Source :

YouTube

Loading…