Siomai sa halip na chocolate, praktikal na panregalo sa Valentine’s, ayon sa netizen

  • Usap-usapan sa social media ang praktikal na panregalo para sa darating na Valentines Day
  • Ibinida ng isang netizen ang larawan ng kaniyang siomai na nakalagay sa packaging ng kilalang chocolate brand na siyang kinaaliwan naman ng netizens
  • Marami tuloy ang nagpahayag ng kanilang pagkagusto sa praktikal tip ng uploader lalo na ang mga magkasintahang magdiriwang sa Araw ng mga Puso

Sa papalapit na pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, iba’t ibang gimik na ang inihahanda ng mga magkasintahan upang maipadama ang kanilang pagmamahal para sa isa’t isa.

Imahe mula kay Daniel Adrian Clementir Magnetico | Facebook

Maliban sa paglalaan ng oras at pakikipagdate kasama ang kanilang mga minamahal, ito rin ang araw kung kailan nais ipadama ng mga magkasintahan ang pagiging espesyal ng kanilang mga kapareha. Halimbawa na lang ay ang pagbibigayan ng mga ito ng regalo, bulaklak, chocolate, at kung ano-ano pa.

Sa Facebook noong February 1, ibinida naman ng netizen na nagngangalang Daniel Adrian Clementir Magnetico ang kaniyang “practical tip” para sa mga magkasintahang magdiriwang sa darating ng Araw ng mga Puso.

“Pang regalo mo sa jowa mo ngayong Valentine’s Day. Puwedeng steam, puwede ring fried,” sabi nito sa kaniyang Facebook post.

Sa halip na chocolate, makikita na siomai ang nilalaman ng transparent box na may tatak na Ferrero Rocher. Ito ang inirerekomendang ibigay ng netizen sa mga nais regaluhan ang kanilang mga minamahal.

Bukod kasi sa iba’t ibang luto na maaaring gawin sa siomai, mas nakabubusog ito para sa mga praktikal na magkasintahan.

Marami ring netizens ang sumang-ayon sa post ni Daniel kaya naman agad na nagviral ang larawan ng Ferrero Siomai” sa social media.

“Mas gusto ko pa ito kaysa chocolate. Hahaha,” natatawang sabi ni LMAN.

Imahe mula kay Daniel Adrian Clementir Magnetico | Facebook

“‘Yan dapat, praktikal! Plus half rice please,” ani KM matapos makita ang post ni Daniel sa Facebook.

“Pabor sa’yo ‘to love. Hahaha! Tuwang-tuwa ka pa siguro,” sabi ni JCA matapos i-tag ang katipan sa comment section.

Sa kasalukuyan na ay mayroon nang mahigit 14,000 reactions ang Facebook post ni Daniel. Umani na rin ng mahigit 32,000 shares ang  larawan nito sa social media.

O baka may suggestion ka rin? Ibahagi na sa comments section!

Source :

Facebook

Loading…