Sobrang sakit ng dibdib: Marcelito muntik na palang hindi makakanta sa semi-finals ng AGT: The Champions

  • Muntik na palang hindi makakanta sa semi-finals ng AGT: The Champions si Marcelito
  • Nakaramdam daw siya ng sobrang sakit sa dibdib
  • Nakaapekto raw ang pananakit sa pagkanta niya

Pinalakpakan at binigyan ng standing ovation si Marcelino Pomoy dahil sa husay ng performance niya sa semi-final round ng America’s Got Talent: The Champions na naging daan upang mapabilang siya sa mga napiling finalists.

Screenshot mula sa video ng AGT: The Champions

Ngunit ang hindi alam ng marami ay muntik na siyang hindi makakanta  dahil sa sa isang health scare na naranasan bago siya isalang sa semi-final round ng talent competition show.

Sa isang panayam, sinabi niya na nakaramdam siya ng grabeng pananakit sa dibdib na sa sobrang sakit ay halos hindi raw siya makatayo.

“Actually doon pa lang talaga sa wardrobe… hindi na talaga ako makatayo. Hindi ko alam kung anong nangyari sa dibdib ko. Sobrang sakit talaga. Sinabi ko sa asawa ko na hindi ako makagalaw. Unti-unti kong ginalaw pero masakit talaga,”  kuwento ni Marcelito.

Humingi raw siya ng tulong sa medic ng show at sinabi raw sa kanya na posibleng muscle spasm ang nararamdaman niya. Binigyan naman daw siya ng medisina at inalam ang kanyang blood pressure.

Screenshot mula sa video ng AGT: The Champions

“Binigyan kami ng medicine. Nag-BP naman ako, okay naman daw. Masyado silang strict. Kung sa heart daw mismo, kailangan na itawag ng 911. Kaya kinabahan ako,” patuloy ni Marcelito.

Sabi pa niya ay naapektuhan ng pananakit ng dibdib ang pagkanta niya.

“Nakaapekto talaga. Siyempre hindi ko naman puwedeng ibirit agad. Baka may mangyari. Alalay lang ako sa sarili ko. Nakabirit pa rin naman,” aniya.

Sa susunod na linggo ay muling magpapamalas ng husay si Marcelito sa grand finals ng AGT: The Champions.

Screenshot mula sa video ng AGT: The Champions

“Marami akong mga sinend na kanta pero meron silang mga hindi in-approve kasi may mga license pala iyan. Kaya mahirap. Maraming mga kantang pinagpipilian. Lahat naman ‘yun binigay ko doon. Actually sila talaga namimili. Malalaman ko na lang siguro by next week. Magse-send sila sa akin,” sabi pa niya.

Anuman ang maging resulta, nagpapasalamat daw siya sa bagong karanasang ito at sa mga taong nagdarasal para sa kanyang tagumpay.

“Sana makamit natin ang tagumpay,” aniya.

Loading…