Solenn Heussaff, ipinaliwanag kung bakit hindi pa niya ipinapakita ang mukha ng anak

Imahe mula sa Instagram | Nico Bolzico at Solenn Heussaff
  • Marami raw ang nagtatanong kay Solenn Heussaff kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ibinabahagi sa social media ang larawan ng mukha ng anak na si Thylane Katana
  • Kuwento niya, may balak naman siyang ibahagi ang larawan nito ngunit sa ngayon ay gusto muna nilang i-enjoy na makita ang mga pagbabago rito
  • Sinabi rin niya sa netizens na hindi lahat ay dapat ibahagi sa social media

Ibinahagi ng aktres na si Solenn Heussaff ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nila ipinapakita sa social media ang mukha ng anak na si Thylane Katana.

Imahe mula sa Instagram | Solenn Heussaff

Sa kaniyang Instagram story, sinabi ni Solenn na marami ang nagtatanong sa kaniya tungkol dito. “People keep asking why I haven’t posted Thylane yet. Though I eventually will, I am not in a hurry and enjoying her every change. She is so precious,” aniya.

Ikinalungkot niya ang mga nababasang komento sa social media tungkol sa desisyon niyang ito. “I have read comments like ‘Is your baby ugly?’ ‘Aren’t you proud of her?’ ‘Is she abn0rmal?’ among other things,” sabi ni Solenn.

Dahil dito, ipinaalala niya sa mga netizens na hindi sa Instagram umiikot ang buhay.

Imahe mula sa Instagram | Solenn Heussaff

“People need to remember that life does not happen on IG. Yes, it is a great place to share things but you don’t have to share everything. It’s not because it did not happen on IG that it did not happen in real life,” sabi niya. “This is exactly why I don’t want her to be exposed to this type of make belief world. Some people need to get wiser.”

Sinalubong ng mag-asawang Solenn at Nico Bolzico ang 2020 sa pagdating ng panganay na anak na si Thylane.

“01.01. 2020. Best way to welcome 2020. So in love with you Thylane Katana,” sabi ni Solenn sa post na ibinahagi sa Instagram. Makikita rito ang maemosyon na black and white photo nila ni Nico.

Source :

Instagram

Loading…