Sosyal: Boodle fight ng magkakaibigan, mamahalin; spam, hotdog, itlog ang ulam

  • Viral sa social media ang larawan ng isang sosyal na handa sa boodle fight
  • Nakahanda kasi sa lamesa ang mamahaling luncheon meat na Spam kasama ang hotdog at itlog
  • Marami tuloy netizens ang natakam at nais din ng ganitong uri ng boodle fight

Isa sa mga paboritong gawain ng magkakaibigan ay ang kumain. Maraming magkakaibigan ang nagba-bonding sa mga kilalang mall upang kumain sa paborito nilang restaurant. Ang iba naman ay kahit simpleng pancit canton party lang kasabay ng panonood ng paboritong pelikula o series ay ayos na.

Ngunit ang isang magbabarkada ay ni-level up ang kanilang food trip. Ginawa nila ang tradisyonal na boodle fight ngunit imbes na mga lutong bahay ang kanilang ulam, mga sosyal na breakfast staple ang kanilang inihanda.

Larawan mula kay Kevin Sarte Dayrit

In-upload ng Facebook page na Usapang Foodtrip ang larawan ng ginawang boodle fight ng netizen na si Kevin Sarte Dayrit. Nakalagay pa rin sa mahabang lamesa na mayroong sapin na dahon ng saging ang kanin ngunit ang ulam nila, may pagkasosyal. Spam lang naman na may kasamang hotdog at pritong itlog ang kanilang nilantakan.

Kita sa larawan na nasa dulo ng lamesa ang siyam na lata ng Spam na iniulam ng barkada ni Kevin. Nasa halos P200 ang isang lata ng classic flavored na Spam ayon sa online shop na Lazada. Kaya naman ang mga netizens, napa-“sana all” sa sosyal na boodle fight na ito.

Umabot lang naman sa 4,000 reactions, 3,800 comments, at 7,000 shares ang naturang larawan. Marami ang natakam at sinabing nais din nila ng ganitong klase ng kainan kasama ang tropa. May isang netizen na ganito na rin daw ang gagawin sa kanyang kaarawan.

“Hanep, may idea na ako sa gagawin kong birthday. Ganito na lang, boodle fight. Simple pero sigurong magiging masaya to lalo na ang kaklase kong malalakas kumain,” pahayag ng isang netizen.

Larawan mula sa Spam

May ilang netizen naman na umaming hindi nila afford ang magkaroon ng ganitong kasosyal na handa. Ngunit hindi naman daw mahalaga kung ano ang handa, basta raw magkakasama ang magkakaibigan at pamilya, kahit anuman ang nakahanda ay siguradong magiging masarap ang kanilang pagkain.

“Gusto ko rin ng boodle fight pero wala kaming Spam. Tuyo na lang. Kahit ano namang handa basta buo ang tropa, masaya na yan,” sabi ng isang nagkomento.

Loading…