Speaker Alan Peter Cayetano sinabing ‘sipsip’ ang mga senador sa ABS-CBN; Manny Pacquiao at Grace Poe, pumalag

  • Sinabihan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ng ‘sipsip’ ang mga senador na dumalo sa pagdinig ng ABS-CBN franchise
  • Sumagot naman dito sina Grace Poe at Manny Pacquiao na kapuwa bahagi ng Senado
  • Ayon kay Poe, ginagawang cheap ni Cayetano ang Kongreso habang sabi ni Pacquiao ay nagtatrabaho lamang sila

Sa pagdinig ng renewal ng franchise ng media network na ABS-CBN nitong Lunes sa Senado, tila hindi natuwa ang House Speaker at kilalang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Alan Peter Cayetano. Sinabi niya sa isang pahayag na dumalo lang sa hearing ang mga sipsip sa ABS-CBN at hindi talaga upang talakayin nang patas ang isyu.

“Parang nag-a-attendance ngayon lahat ng gustong sumipsip sa ABS-CBN… Bakit nag-hearing ang Senate? Anong purpose? Parang nag-a-attendance e… Kasi sabi nila, it’s not for the franchise kasi hindi pa sila pwede mag-hearing sa franchise, nandito pa, so what is it for?” pahayag ni Cayetano.

Larawan mula sa PNA

Umalma naman ang ilang senador na nagpakita ng suporta sa ABS-CBN sa pahayag na ito ni Cayetano. Ilan sa nagbigay ng kanilang panig ay sina Senadora Grace Poe na committee chairman ng Senate Public Services at Senador Manny Pacquiao na isang ring taga-suporta ng Pangulong Duterte.

Sa isang pahayag ni Poe sa ANC, sinabi nito na sa pagbibigay ni Cayetano ng iba’t ibang bansag sa mga dumalo sa hearing ay ginagawa nitong ‘cheap’ o mababang uri o walang tamang argumento ang kanyang mga pahayag bilang isang House Speaker.

“You know, when I deal with the counterparts from the House, at least, me personally and I think many of my colleagues, we try to maintain a level of respect and decorum because name-calling cheapens the debate,” pahayag ni Poe.

“When you start name calling, kung gumagamit ka ng mga salitang ganoon (sipsip), ibig sabihin, nawawalan ka ng basehan sa tamang argumento,” dagdag pa ng senadora.

Para naman kay Pacquiao, buo ang paniniwala niya na bilang isang mambabatas, hindi pagsipsip ang ginagawa nila kung hindi pagtupad sa kanilang tungkulin. Wala raw silang nilabag na anumang batas kaya walang basehan ang pahayag ni Cayetano.

Larawan mula sa PNA

“As a legislator siguro, ginagampanan lang namin ‘yung trabaho namin. Karapatan natin na-i-hear ‘yung… suportahan ‘yung hearing ng franchise so siguro wala naman kaming nilabag doon,” salaysay ni Pacquiao.

“Kanya-kanya naman tayong opinyon… Kanya-kanya naman tayong paniniwala… Siguro ‘yun ang nasa pus0 niya, nasa isip niya kaya niya nasabi yun,” dagdag pa ni Pacquiao sa naging pahayag ni Cayetano.

Loading…