Star entrepreneur: Kapuso actress na si Chynna Ortaleza, vice president ng isang recording company

  • Maliban sa pagiging showbiz personality, vice president na ngayon ng isang record label si Chynna Ortaleza
  • Ito ay isang recording company na pag-aari nila ng asawang si Kean Cipriano
  • Isa sa mga contract artist nila ay ang dating bokalista ng IV of Spades na si Unique Salonga

Batid ng mga artista na hindi buong panahon ay sikat ang kanilang bituin. Kaya naman marami sa mga ito ay ang sumusubok na rin ng iba’t ibang negosyo upang may magandang mapuntahan ang kanilang kinikita bilang isang celebrity.

Isa sa mga showbiz personalities na nagtayo ng kanyang sariling negosyo ang aktres at host na si Chynna Ortaleza. Katuwang ang kanyang mister at kilalang musikero din na si Kean Cipriano, itinatag nila ang isang recording company na tinawag nilang O/C Records.

Larawan mula sa Instagram account ni Chynna Ortaleza

Sa isang episode ng GMA News and Public Affairs show na Tunay na Buhay,  ipinasilip ni Chynna ang kanyang trabaho bilang vice president ng kanilang record label. Maliban sa paggawa ng mga proyekto para sa Kapuso network, madalas ay abala raw siya mga gawain sa kanilang office sa Quezon City.

Nag-umpisa raw talaga ang kanilang recording label dahil sa adhikain nila ng kanyang mister na magkaroon ng magandang kontribusyon sa larangan ng sining. At noong 2018 nga, binuo na nila ang recording label na naglalayong makagawa ng magagandang musika kasama ang mga sikat at up and coming musicians ng bansa.

Ilan sa mga pangalang contract artist ng O/C records ay ang dating bokalista ng IV of Spades na si Unique Salonga, ang stage actor at Philippine Idol finalist na si Gian Magdangal, acoustic singer na si Johnoy Danao, at ang banda ni Kean na Callalily.

Marami din silang mga bagong singers na talents nila sa kanilang record label tulad nina Rice Lucido, Frizzle Anne, The Voice of the Philippines artist na si Jem Cubil, at ang mga bandang Drive of Daydreams, Calein, at Garage Morning.

Larawan mula sa Instagram account ni Chynna Ortaleza

Sa ngayon ay abala ang O/C Records sa gagawing UP Fair kung saan sila ang nakatoka sa Monday show ng much awaited event ng University of the Philippines. Ito rin ang pagbabalik ng Monday show ng UP Fair kaya naman excited na ang maraming fans, maging si Chynna.

Maliban sa pagiging vice president ng O/C Records ay isa pa ring contract artist ng GMA Network si Chynna at isa sa mga host ng GMA News TV cooking show na Idol sa Kusina kasama si Chef Boy Logro. Huli siyang napanood sa TV series na Victor Magtanggol kasama ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Panoorin ang panayam kay Chynna sa bidyong ito:

https://www.youtube.com/watch?v=mTc136AqPh4YouTube

Loading…