Strange marketing strategy: Patalastas ng Burger King ipinakitang inaamag ang Whopper sandwich

  • Kakaibang marketing strategy ng Burger King isinapubliko
  • Sa bagong patalastas nito ay ipinakita ang isang Whopper sandwich na inaamag
  • Ito umano ang paraan ng Burger King upang maiparating sa publiko na hindi na sila gagamit ng preservatives sa kanilang mga pagkain

Naglabas ng bagong patalastas ang Burger King at medyo kakaiba ang kanilang marketing strategy. Ipinakita sa nasabing advertisement ang isang inaamag na Whopper sandwich, ang signature burger ng fastfood restaurant.

Imahe mula sa Burger King

Ito umano ang paraan ng Burger King upang maiparating sa publiko na hindi na sila gagamit ng preservatives sa kanilang mga pagkain.

Ang bagong patalastas ay isang time-lapsed video na nagpapakita sa Whopper sandwich na unti-unting nabubulok at napuno ng amag pagkaraan ng dalawampu’t walong araw.

“The beauty of no artificial preservatives,” ang tagline ng advertisement.

Magkahalong tuwa at inis ang naging reaksyon ng mga nakapanood sa bagong kampanya ng Burger King.

“I love it. It’s about time. It’s so important to be open and honest. Of course, food perishes…what is controversial about that? Only thing that worries me is: were there actually artificial preservatives in there before?”

“Thats terrible marketing. Stocks ‘bout to go down lol.”

“I like preservatives though. I’m not eating there anymore. Gross!!!”

Imahe mula sa Burger King

Ayon sa Burger King, inalis na nila ang preservatives sa Whopper sa mga branches nila sa Europe at sa piling US stores.

Inaasahan ng kumpanya na bago matapos ang taong 2020, ang lahat ng kanilang food items, kabilang ang mga sandwiches, side dish at desserts, ay wala nang artificial colors, artificial flavors at artificial preservatives.

Noong 2018 ay nauna na ang McDonald’s na mag-alis ng preservatives sa kanilang burgers. Dalawang taon bago gawin ito ay inalis ng kumpanya ang antibiotics mula sa kanilang chicken supply chain.

Imahe mula sa Burger King

Loading…