Sweet si manong: Simpleng lalaki sa jeep na may dalang regalo para sa kanyang asawa, kinakiligan sa social media

  • Trending sa social media ang larawan ng isang simpleng lalaki na mayroong dalang surpresa sa kanyang asawa
  • Nakuhanan ng larawan ng isang netizen ang sweet na manong habang masayang inaayos ang kanyang mga regalo
  • Marami naman ang kinilig sa effort na ito ng lalaki kaya nagtamo na agad ng libo-libong reactions at shares ang larawan

Sa nagdaang Valentine’s Day, kanya-kanyang paandar ang mga magkasintahan at mag-asawa upang ipakita ang pagmamahal nila sa kanilang kapareha. Mayroong mga gumawa ng malalaking surpresa, habang ang iba naman ay nagbigay ng mamahaling regalo.

Ngunit sa dami ng gimik na ginawa ng mga couples na nai-post sa social media, isang simpleng larawan ang tunay na nagbigay ng kilig sa mga netizens. Ibinahagi ng netizen na si Zhia Francisco sa kanyang Facebook account ang larawan ng isang simpleng lalaki na mayroong simpleng surpresa sa kanyang asawa.

Larawan mula sa Facebook post ni Zhai Francisco

Makikita sa larawan na nakasakay si Zhia sa isang jeep nang makita niya ang isa ring lalaking pasahero na may dalang regalo para sa kanyang asawa para sa Araw ng mga Pus0. Masayang-masaya ang lalaki na inaayos ang kanyang regalong tsokolate, pabango, at stuffed toy.

Kahit simple lang ang suot ng lalaki at ang kanyang bitbit na regalo, maraming netizen, kabilang ang uploader, sa mga kinilig sa pagpapakita ng pagmamahal sa kanyang asawa. Isa raw itong patunay na hindi nasusukat sa halaga ng regalo ang pag-ibig kung hindi sa effort na ibinibigay ng kapareha mo.

“Ako muna yung kikiligin para sa misis niya! Ang sweet!” sabi ni Zhia sa kanyang trending post na umani na ng 26,000 reactions na karamihan ay l0ve at 21,000 shares wala pang 24 oras na naka-upload sa social media.

Nagpaabot din ng mensahe ang mga netizens na nag-share ng nasabing viral na larawan. Siyempre, lumaganap ang pamosong linya ng mga gusto ring makaranas ng mga bagay-bagay na “sana all.” Sana raw ay lahat ng asawa ay ganito na kahit simple lamang ay nakaiisip pa rin na magbigay ng ligaya at pagmamahal sa kanyang kabiyak.

Larawan mula sa Pexels

“Sana all ng asawa ay ganito. Napaka-sweet mo, kuya. Sure akong anuman ang harapin n’yo ng misis mo ay magtatagal ang inyong relasyon. Sana all talaga,” pahayag ng isang netizen.

Pahayag naman ng ilan, talagang tunay ang kasabihang “don’t judge a book by its cover” dahil ang pagmamahal ay walang pinipiling hugis, hitsura, o katayuan sa buhay.

Loading…