Sylvia Sanchez kay Maine Mendoza: Mahal ka ng buong pamilya namin

Imahe mula sa Instagram | Sylvia Sanchez
  • Nagbahagi ang aktres na si Sylvia Sanchez ng bonding ng kanilang pamilya kasama si Maine Mendoza, girlfriend ng anak niyang si Arjo Atayde
  • Makikita sa mga larawan at video ang pagsayaw nila ng hit song ni Sarah Geronimo na Tala
  • Nagpasalamat din siya kay Maine at sinabing mahal siya ng kanilang pamilya

Ibinahagi ng aktres na si Slyvia Sanchez ang pakikipag-bonding sa kanilang pamilya ng girlfriend ng anak niyang si Arjo Atayde na si Maine Mendoza.

Imahe mula sa Instagram | Sylvia Sanchez

sa Instagram, ibinahagi ni Sylvia ang mga larawan at video na nagpapakita ng pagkakasiyahan nila. “Yung ang saya lang ng Monday morning ko na pinanonood ang pamilya ko, Mamita Pilar, Marj So na tinuturuan mag-Tala  lahat kami rito sa bahay,” sabi niya sa kaniyang caption.

Ang Tala ay ang popular na kanta ni Sarah Geronimo na naging dance hit noong isang taon. May viral video sina Maine at Arjo na sinasayaw ito.

Makikita rin sa video sina Arjo at ang ama niyang si Art Atayde na pinanonood ang pagsayaw ng kanilang pamilya.

Imahe mula sa Instagram | Sylvia Sanchez

Nagpasalamat din siya kay Maine na tinawag pa niya “coach” dahil napasaya niya raw ang kanilang pamilya.

“Coach @mainedcm, thankyou at pinasaya mo kaming lahat sa kakulitan mong mapag-Tala kami. Ang cute mo, Maine at mahal ka ng buong pamilya dahil sa kabutihan mo,” saad ni Sylvia. “Higit sa lahat, nabully mo, napahalakhak, at napag-Tala mo ang asawa ko.”

Nilagyan niya rin ito ng mga hashtag na family, happiness, blessing, bonding, priceless, at good vibes.

Nobyembre noong isang taon nang mag-post si Sylvia ng larawan ng kanilang family dinner kasama si Maine. Umani ito ng batikos mula sa ilang netizens ngunit sinabi ni Sylvia sa isang interview sa PEP na hindi siya papayag na kontrolin siya ng negatibong opinyon ng iba.

Disyembre 21, 2019 nang magdiwang sina Maine at Arjo ng kanilang unang anibersaryo.

Source :

Instagram, PEP

Loading…