Tadhana? Batang lalaki at babaeng nagkrus ang landas noon, mag-asawa na ngayon

  • Kinakiligan ng mga netizens ang larawan ng mag–asawang bagong kasal
  • Bukod kasi sa seremonya, ipinakita rin ang lumang larawan nila noong bata pa sila kung saan una silang nagkatagpo
  • Ito raw ang magpapatunay na may taong “nakatadhana” para sa lahat

Sa mundong ito na halos iba’t ibang uri ng tao ang maaaring makahalubilo, isang katangi–tanging pagkakataong magkrus ang mga landas ng taong nakatadhana para sa iyo. Maaaring nakasakayan mo na siya sa loob ng pampublikong sasakyan, nakasama sa loob ng elevator, nakasunuran sa isang pila, o nakasalubong sa kalsada.

Katulad na lamang ng kuwento ng pag–iibigan nina Rex Byron Roxas at Mela Rizo Zapata na ibinahagi ng isang user na nagngangalang Alfred Rach sa Facebook page na “Memories of Old Manila”.

Ayon sa Facebook post, una umanong nagkrus ang landas ng dalawa noong mga bata pa sila, sa isang lansangan sa Baguio City, 30 taon na ang nakararaan.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

“30 years ago this boy casually walked up to this little girl somewhere in Baguio, and kissed her on the forehead and then ran away. They never met again until a couple of years ago. They had absolutely no way of knowing that 3 decades after they would wind up as husband and wife. Amazing. Coincidence? Fate? Destiny? That’s the magic of love! Mabuhay ang bagong kasal! Rex Byron Atienza Roxas / Mela Rizo Kitten Zapata,” saad ng caption.

Kinilig naman ang mga netizens sa kuwentong ito. Para kasing sa teleserye o pelikula lamang nangyayari ang mga ganitong senaryo.

Sabi ng isa, “Twin flame or soul mates mga iyan, kilala na nila ang isa’t isa kasi sila rin dati sa past lives nila, ayon nga sa konsepto ng reincarnation.”

“Lovely!! What a story that I only see in Korean novelas. It makes us believe in fate and love more!” saad naman ng isa.

Turan naman ng isa pa, “It’s called destiny. What a small world… nothing is impossible. They are for each other.”

Public Domain Image

Nahanap mo na rin ba ang nakatadhana para sa iyo?

Loading…