Tala music video ni Sarah G, umabot na sa mahigit 100 million views sa YouTube

  • Umabot na sa mahigit 100 million views ang Tala music video ni Sarah G sa YouTube
  • Inanunsyo ng Viva Records sa Twitter ang milestone na ito ni Sarah G
  • Si Sarah ang kauna-unahang local female solo artist ang nakagawa ng ganitong record sa YouTube

Isang panibagong tagumpay na naman ang nakamit ni Sarah Geronimo nang umabot sa 100 million ang YouTube views ng music video ng viral pop song niyang “Tala.”

Screenshot mula sa Tala music video

Si Sarah, ang itinuturing na Popstar Royalty ng Pilipinas, ang kauna-unahang local female solo artist na nakagawa ng ganitong record sa video sharing platform. Ang Viva Records ang nag-anunsyo ng milestone na ito ni Sarah G sa Twitter noong Miyerkules, ika-27 ng Pebrero.

“Tuloy pa rin ang pag indak ng Tala Nation. Thank you so much for the love! Another achievement for us, 100 million Youtube views!” tweet ng Viva Records.

Ang views ng Tala music video na in-upload sa YouTube noong June 11, 2016 views ay umabot sa 50 million nito lang mga nakaraang buwan. Agad na nadoble ang bilang ng views nito sa loob lang ng maikling panahon.

Ang Tala ay isinulat nina Nica Del Rosario at Emmanuel Sambayan at kabilang sa The Great Unknown album ni Sarah nan a-release noong 2015.

Sumirit ang popularidad ng kanta nang mag-trending sa social media ang “Tala Dance Challenge” noong 2019. Maraming netizens, kabilang ang ilang local at international celebrities ang kumasa sa dance challenge at nag-upload ng mga video habang sumasayaw sa saliw ng “Tala.”

Screenshot mula sa Tala music video

Matapos mag-viral sa social media ang Tala Dance Challenge, pumasok ang Tala sa Billboard World Digital Song Sales chart at sa Global Viral 50 ng Spotify, ang playlist ng most trending at most shared tracks sa buong mundo.

Sa March 1, 2020 ay ipagdiriwang ni Sarah G ang 17th anniversary ng kanyang “Star For A Nigth” victory na naglunsad ng kanyang matagumpay na singing career sa ilalim ng Viva Records.

 

 

Source :

YouTube, Philstar

Loading…