Thailand nagtatagumpay laban sa nCoV dahil sa kumbinasyon ng anti-viral medicine

  • Gumaling ang isang nCoV patient sa Thailand matapos gumamit ng mga doktor ng kumbinasyon ng tatlong anti-viral medicine
  • Pinaghalo ng mga doktor ang medisinang ginagamit kontra sa flu at HIV
  • Wala pang sapat na ebidensya na talagang epektibo ang mga pinaghalong anti-virals kaya sumusubok sila ng iba pang kumbinasyon ng mga gamot

Naging matagumpay ang Thailand na mapagaling ang isang 71-year-old Chinese woman na positibo sa 2019 novel coronavirus (nCoV) matapos itong gamutin gamit ang kumbinasyon ng anti-virals na ginagamit laban sa HIV (human immunodeficiency virus) at flu.

Imahe mula sa Thailand Medical News

Ayon kay Dr. Kriengsak Attipornwanich, nagnegatibo sa virus ang pasyente 48 oras matapos gamitin ang mga anti-virals.

“The lab result of positive on the coronavirus turned negative in 48 hours. From being exhausted before, she could sit up in bed 12 hours later,” masayang pahayag ni Dr. Kriengsak sa isang press conference na ginawa ng Public Health Ministry ng Thailand.

Ginamit ng mga doktor sa nCoV patient ang “oseltamivir” na para sa flu kasama ng “lopinavir” at “ritonavir” na ginagamit naman laban sa HIV.

Ayon naman sa isang opisyal ng Public Health Ministry na si Somkiat Lalitwongsa, na director din ng Rajavithi Hospital sa Bangkok, wala pang sapat na ebidensya na talagang epektibo ang mga pinaghalong anti-virals pero naging maganda naman ang resulta.

Imahe mula sa Public Health Ministry ng Thailand

“There’s not enough evidence to support the effectiveness just yet. But we report to contribute to the medical community globally. The results look good so far,” anang health official.

Sa tatlong pasyenteng ginamitan ng mga pinaghalong gamot, dalawa ang patuloy pang binibigyan nito at ang isa nga sa kanila ay nagnegatibo na sa nCov, samantalang itinigil ito sa pangatlong pasyente nang magkaroon ito ng rashes.

Sabi pa ni Somkiat, sumusubok sila ng iba pang kumbinasyon ng mga gamot upang labanan ang nCoV.

Imahe mula sa UNTV

Samantala, sinabi ni Philippine Department of Health Secretary Francisco Duque, III na nagsasagawa pa ng validation ang World Health Organization hinggil sa pagiging epektibo ng kumbinasyon ng flu at HIV anti-virals laban sa nCoV.

“Pinapa-validate ‘yan ng WHO sa kasalukuyan. Wala raw malinaw na batayan para sabihin iyan kaya patuloy ang pananaliksik, patuloy ang pag-aaral ukol dito sa bagong development,” ani Sec. Duque.

Source :

SCMP, Bloomberg

Loading…