“The Voices of Marcelito:” Marcelito Pomoy ibinida ang concert tour niya sa U.S.

  • Ibinida ni Marcelito sa social media na mayroon siyang concert tour sa United States ngayong taon
  • Pinamagatang “The Voices of Marcelito” ang concert tour na gaganapin sa 13 venues sa 9 states ng America
  • Makakasama ni Marcelito sa concert tour ang inspirational pianist at musical director na si Joel Sebag

Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin daw makapaniwala ang global singing sensation na si Marcelito Pomoy sa mga biyayang dumarating sa kanya matapos ang America’s Got Talent: The Champions kung saan nasungkit niya ang 4th place (3rd Runner Up).

Imahe mula kay Marcelito Pomoy

Noong Biyernes, ika-21 ng Pebrero, ay ibinida pa ni Marcelito ang 13 shows na nakatakda niyang gawin sa iba’t ibang lugar sa Estados Unidos ngayong taon.

“WOW!!! Super thank you…. I just couldn’t believe that this is all happening now.. Up until now I feel like I am in Cloud-9… waaahhh… Thank you dear Lord Jesus Christ for everything that you have done for me… See you all in USA very soon…” post ni Marcelito na halatang super excited na sa gagawing concert sa Amerika.

Pinamagatang “The Voices of Marcelito” ang concert tour ng Pinoy singing idol. Base sa poster ng concert, makakasama niya ang inspirational pianist at musical adirector na si Joel Sebag mula June 27 hanggang August 2.

Narito ang listahan ng dates at locations ng concert tour ni Marcelito:

Tampa, Florida (June 27); Miami, Florida  (June 28); Bentonville, Arkansas (July 3);  Memphis, Tennessee (July 10);  Biloxi, Mississippi (July 11);  San Diego, California (July 17); Los Angeles, California (July 18); Cabazon, California (July 19); San Francisco, California (July 25);  Seattle, Washington (July 26); Las Vegas, Nevada (July 31); New York City, New York (Aug. 1); at sa Washington, D.C. (Aug. 2).

Imahe mula kay Marcelito Pomoy

Sinabi ni Marcelito na abangan sa mga susunod niyang post sa social media ang mga detalye tungkol sa ticket at venue.

“To those who are interested to purchase our ticket.. details of venue and ticket to follow po.. keep in touch po,” aniya.

Imahe mula sa Facebook post ni Marcelito Pomoy

Loading…