Third wheel adventure ng netizen sa Batanes, kinaaliwan sa socmed

  • Viral sa social media ang third wheel adventure ng netizen na si Reygan Gargantilla
  • Sa mga larawang kaniyang in-upload, makikita ang sweetness sa pagitan ng magkasintahan na kaniyang kasama habang siya naman ay nag-iisa
  • Marami ang naka-relate rito lalo na ang mga laging napapasabit sa date ng kanilang mga kaibigan na may kasintahan

Kinaaliwan sa social media ang mga larawan ng netizen na kinareer ang pagiging third wheel sa kanilang bakasyon sa Batanes.

Imahe mula kay Reygan Gargantilla | Facebook

Sa post na ibinahagi ni Reygan Gargantilla sa Facebook noong February 1, makikita ang kaniyang third wheeling adventure kasama ang dalawang magkasintahan na sweet na sweet sa mga larawan.

“Of course, papahuli ba yung #thirdwheel adventure ko?” sabi nito sa post.

“Shout out sa dalawang ito na all game pero medyo may pagka manhid na nakasama ko sa Batanes! Ang lamig na nga dito, sumabay pa talaga kayo!” biro pa niya.

Sa halip na malungkot dahil wala siyang kasama o ka-partner habang nagbabakasyon, mas pinili ni Reygan na ipahayag ang kaniyang nararamdaman bilang third wheel sa pamamagitan ng mga larawan.

Kabilang na nga rito ang pagyakap niya sa sarili gamit ang kumot habang katabi ang magkasintahang halos hindi na mapaghiwalay.

Mayroon din siyang larawan kung saan nakakapit na lamang siya sa semento habang ang couple na kaniyang kasama ay masayang magkaakbay.

Imahe mula kay Reygan Gargantilla | Facebook

Marami namang netizens ang naka-relate sa third wheeling adventure ni Reygan, lalo na ang mga laging napapasabit sa date ng kanilang mga kaibigan na may kasintahan.

“Gusto ko to. Ramdam na ramdam kong single ako. Hahaha,” natatawang komento ni AR.

“Saan aabot ang pagiging thirdwheel mo?” pabirong tanong ni IHB.

“Ganito nararamdaman ko minsan, eh. Hahahha,” sabi naman ni TCNC.

Imahe mula kay Reygan Gargantilla | Facebook

“I feel this. Before yung mga kasama ko laging may ka-date o kaya kapartner sa inuman. Ako laging #thirdwheel. But now, sila naman single, ako naman ang may partner sa lahat. Hahaha,” kuwento ni LC.

Nag-viral na rin ang post ng netizen sa Facebook. Umani na ito nang lagpas 9,500 at mayroon na ring higit 5,000 shares sa social media.

Imahe mula kay Reygan Gargantilla | Facebook
Source :

Facebook

Loading…