Throwback photo ni Richard Gomez, patunay kung bakit siya binansagang ‘tall, dark, and handsome’

  • Kapag sinabing “tall, dark, and handsome,” ang actor-turned-politician na si Richard “Goma” Gomez ang unang magiging bukambibig lalo na ng kaniyang mga tagahanga
  • Ang titulong ito ay kadikit na ng pangalan ni Goma mula pa nang magsimula ang kaniyang showbiz career noong dekada otsenta
  • Sa isang throwback photo, ipinakita ni Goma ang isang dahilan kung bakit siya may gaanong bansag

Isa sa mga matagumpay na celebrity-turned-politician ay ang aktor na si Richard “Goma” Gomez. Siya ang kasalukuyang mayor ng Ormoc City sa Leyte kung saan ipinamamalas niya ang masigasig na paglilingkod sa bayan.

Imahe mula sa Facebook page ni Richard Gomez

Bukod sa pagiging mahusay na aktor at mahusay na lingkod-bayan, naging kadikit din ng pangalan ni Goma ang bansag na “tall, dark, and handsome.” Resulta ito ng kaniyang taas, maskuladong pangangatawan, at kulay ng balat. Si Goma ay isa ring modelo at atleta.

At sa pagkakataong ito ay muling sinariwa ni Goma ang bansag na ito sa kaniya sa pamamagitan ng pagpaskil niya sa Instagram ng isang lumang larawan kung saan kitang-kita ang hubog ng itaas na bahagi ng kaniyang katawan.

“Caption please,” ayon sa post kaya ang mga netizen ay may kani-kaniya ring hirit.

Sabi ng isang fan, “Tall, dark, and handsome and brain. Until now, walang makapantay sa iyo.”

“Wow! Goma is Goma. An icon. No replacement,” komento naman ng isang netizen.

Bago pakasalan ang misis na si Lucy Torres-Gomez noong 1998, maraming kababaihan ang naugnay kay Goma. Ilan sa mga ito ay sina Dawn Zulueta at Sharon Cuneta.

Sa loob din ng halos dalawampung taon ay naging modelo si Goma ng clothing brand na Bench. Siya ay tinaguriang brand ambassador nito mula pa noong 1989.

Imahe mula sa Facebook page ni Richard Gomez

Noong 2017, binigyan si Goma ng Bench Icon Award dahil sa pagiging “enduring symbol” ng nasabing brand at dahil pinatunayan nito na “loyalty is inseparable from longevity, and that friendship is inseparable from service.”

Loading…