TJ Monterde at KZ Tandingan itinangging kasal na; mga kumakalat na larawan, engagement shoot lang pala

Imahe mula sa Instagram | KZ Tandingan
  • Inulan ng congratulatory messages sina KZ Tandingan at TJ Monterde matapos akalain ng mga kaibigan at katrabaho na ikinasal na ang dalawa
  • Nagbahagi kasi si KZ ng mga larawan mula sa kanilang engagement shoot sa kaniyang Instagram
  • Nilinaw naman ni TJ sa pamamagitan ng isang post sa Twitter na hindi pa sila ikinakasal at nag-iipon pa raw sila para dito

Nilinaw ni TJ Monterde na hindi pa sila kasal ng fiancée na si KZ Tandingan matapos na bumuhos ang congratulatory messages sa mga larawan ng kanilang engagement shoot na ibinahagi ni KZ sa Instagram.

Imahe mula sa Instagram | KZ Tandingan

Makikita sa mga larawan na nakasuot si KZ ng puting suit, bridal veil, at may hawak na bouquet. Si TJ naman ay nakasuot ng brown na suit. Nilagyan ni KZ ang unang post ng caption na “28” habang bride and groom emoji naman ang nasa ikalawa.

Isa ang singer na si Martin Nievera sa mga nag-akalang ikinasal na ang dalawa. Hindi niya napigilan ang sarili at nag-iwan na ng komento sa post ni KZ. “Wait, married na?” tanong niya. Sinundan niya ito ng isa pang tanong, “Did you do a Matteo-Sarah?”

Kamakailan lamang ay ginanap ang kontrobersyal na secret wedding nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Imahe mula sa Instagram | KZ Tandingan

Ngunit paglilinaw ni TJ, hindi pa sila ikinakasal ng fianceé.

“Hello sa lahat ng nagta-tag sa akin. Thank you po sa mga nag-congrats pero engagement shoot pa lang po yun. Wala pang mismong kasal,” sabi niya sa Twitter. Dagdag niya, nag-iipon pa raw sila para sa kanilang kasal.

Disyembre 2019 nang ma-engage ang dalawa. “THIRTY ON THIRTY! Thank You God for every breath You’ve given me. Thank You God for the balance and harmony. Thank You God for the moon, the stars, and the sea. And Thank You God, for my wife to be,” sabi ni TJ sa kaniyang birthday at engagement post.

Loading…