UN humingi ng tulong upang mapuksa ang bilyun-bilyong locusts na nananalasa sa Africa

  • UN nanawagan ng tulong upang puksain ang pesteng balang na nananalasa sa African continent
  • Mabilis at bukas-palad na pagtugon ang inaasahan ng UN mula sa international community
  • Sa pagtataya ng FAO, ang lawak ng lugar na nababalot ng mga balang ay sinlaki na ng Moscow

Nanawagan ng tulong sa international community si United Nations (UN) Secretary General Antonio Guterres upang mapuksa ang salot na mga locusts na nananalasa sa malaking bahagi ng African continent.

Imahe mula sa ANSA

Sana raw ay maging mabilis at bukas-palad na tumugon sa kanyang panawagan ang international community upang makontrol ang pamemeste ng mga locusts o balang habang may panahon pa.

“The UN has issued an urgent appeal for assistance. I ask the international community to respond with speed and generosity to ensure an effective response and control the infestation while we still have the chance,” ani Guterres sa sidelines ng 33rd Ordinary Session of the Executive Council of the AU na ginanap sa Addis Ababa, ang kapitolyo ng Ethiopia.

Noong nakaraang linggo ay isiniwalat ng UN Food and Agriculture Organization (FAO) na ang Horn of Africa region ang pinakagrabeng apektado ng locust infestation.

Ayon sa FAO, ang dumaraming locust swarms sa Ethiopia at Somalia ay patuloy na lumilipat sa Kenya, kung saan kumalat na ang mga ito sa 14 counties sa northern, southern at central part ng nasabing bansa.

Imahe mula sa The Africa Report

Walang kaparis sa laki at sakop ang infestation sa Africa, ayon kay Guterres, na lalo umanong pinalalala ng climate change.

“Today locust swarms are as big as major cities and it’s getting worse by the day. There is also a link between climate change and the unprecedented locust crisis plaguing Ethiopia and East Africa. Warmer seas mean more cyclones generating the perfect breeding ground for locusts,” anang UN Secretary General.

Ayon sa mga eksperto, ang pananalasa ng mga balang ay resulta ng “extreme weather swings” kung saan ang taong 2019 ay nagsimula sa tagtuyot at natapos sa pinakamatinding rainy season na noon lang nangyari sa makalipas ang ilang dekada.

Screenshot mulas a DW video

Sa pagtataya ng FAO, ang lawak ng lugar na nababalot ng mga balang ay sinlaki na ng Moscow.

Kung sakaling hindi makontrol ang mga balang sa pagsisimula ng susunod na planting season (buwan ng Marso), ang lahat ng pananim ng mga magsasaka sa rehiyon ay masasalanta.

Loading…