Unique wedding: Magkasintahan, sa Jollibee napiling ikasal

Imahe mula sa Facebook | Janine Veronica Minas
  • Kakaiba ang napiling venue ng kasalan ng mag-asawang Jane Veronica at Marious Pabalinas
  • Sa halip kasi na typical na kasal sa simbahan, beach, o garden ay sa Jollibee nila ito napiling idaos
  • Ginawa raw nila ito dahil praktikal ito at kagaya nilang mag-asawa ay unique ang konseptong ito

Kung ang dream wedding ng iba ay sa simbahan, beach, o garden, isang magkasintahan sa Olongapo naman ang nagpatunay na bida ang saya sa Jollibee dahil dito nila piniling ganapin ang kanilang kasal kamakailan lamang.

Imahe mula sa Facebook | Janine Veronica Minas

Kuwento ni Janine Veronica Minas sa kaniyang post sa Facebook na may halos 10k reactions at 4k shares na habang isinusulat ito, noong una ay hindi sila pinaniwalaan na sa fastfood restaurant gaganapin ang kanilang pag-iisang dibdib.

“No one believed us when we said we will do our wedding at Jollibee. Kasi alam nilang hindi kami matinong kausap. Akala nila nagjo-joke lang kami,” sabi niya.

Napalitan daw ng mga tanong ang pagdududa ng kanilang guests nang ipamahagi nila ang wedding invitations kung saan nakalagay na sa Jollibee nga ang kanilang venue. “Everyone kept asking ‘Bakit sa Jollibee?,’ ‘Seryoso? ‘Di nga?,'” kuwento ng bride.

Paliwanag niya, pinili nila ang venue na ito dahil praktikal ito. Unique din daw ang naisipan nilang ito kagaya na lamang nila ng asawang si Marious Pabalinas.

Imahe mula sa Facebook | Janine Veronica Minas

“We chose Jollibee because it’s practical, the food is great, and of course IT IS JOLLIBEE! Who doesn’t like Jollibee? It’s new for everyone! We did it there because it’s unique and different just like me and @mar.ious, and our family and friends know that,” dagdag niya.

Naging masaya raw ang kanilang kasal dahil nahigitan ang kanilang mga expectations at dahil na rin sa tulong ng mga staff doon mula sa ceremony hanggang reception kaya naman labis ang pasasalamat niya sa mga ito.

“Thank you Jollibee Ulo ng Apo and staff for your help and for allowing us to do our wedding in your place. Truly, Jollibee is the place where #bidaangsaya,” pagtatapos niya.

May kakaibang plano ka rin ba para sa iyong kasal?

Source :

Facebook

Loading…