UP Cebu student council nanawagan ng donasyon para sa naospital na banana cue vendor na napamahal sa mga estudyante

  • Banana cue vendor na 34 years nang nagtitinda sa UP Cebu nangangailangan ng tulong
  • Naospital si Criza Liza Gonzales Mendez o Manang Lisa dahil sa aneurysm
  • Naglunsad ng GoFundMe campaign ang UP Cebu University Student Council para makalikom ng P200,000 para sa operasyon ni Manang Lisa

Thirty four years (34) nang nagtitinda ng meryenda sa University of the Philippines (UP) Cebu sa Barangay Lahug, Cebu City si Criza Liza Gonzales Mendez, mas kilala ng mga estudyante bilang Manang Lisa.

Imahe mula kay Apple Ta-as via CDN

Taong 1986 pa nang simulan ni Manang Lisa, sa tulong ng asawang si Anicito na janitor ng UP Cebu, ang pagtitinda ng meryenda ilang buwan matapos nilang ikasal.

Naging bahagi na si Manang Lisa ng buhay ng mga “Iskolar ng Bayan” ng UP Cebu dahil itinuring na siya bilang pangalawang ina ng maraming estudyante na suki niya sa abot-kaya niyang banana cue at camote cue dahil sa kanyang mga pangaral at walang sawang pakikinig sa mga pinagdaraan ng mga ito.

Ayon kay Reya Masbate, na kumukuha ng Computer Science sa UP Cebu, nakasanayan na nilang magkakaibigan ang magmeryenda sa tindahan ni Manang Lisa tuwing mataapos ang kanilang klase, subalit nagulat sila na sarado ang tindahan nito simula pa noong huling linggo ng Enero.

Nitong Linggo lang, ika-2 ng Pebrero, nalaman ni Reya, sa pamamagitan ng ate niyang si Rava, na isang UP Cebu alumni, na naospital si Manang Lisa dahil sa aneurysm.

Imahe mula sa Tug-Ani Facebook page

Ayon naman sa post ng Tug-ani, ang official student publication ng UP Cebu, noong ika-3 ng Pebrero, mabuti na ang kondisyon ng meryenda vendor subalit kailangan ng P200,000 para sa operasyon niya. Sinabi pa nito na ang UP Cebu University Student Council ay naglunsad ng GoFundMe campaign para makalikom ng mga donasyon para sa napamahal na sa kanilang banana cue vendor.

Si Manang Lisa ay kasalukuyang naka-confine sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City.

“Let’s help Manang Lisa and maximize what we can!” panawagan ng UP Cebu University Student Council.

Imahe mula sa GoFundMe campaign ng UP Cebu University Student Council
Source :

CDN, GoFundMe

Loading…