Valentine’s baby: Ethel Booba nagsilang na

  • Doble ang selebrasyon ngayong Araw ng mga Pus0 para kina Ethel Booba at partner na si Jessie Salazar
  • Ibinahagi ng komedyante sa kaniyang Twitter na nagsilang na siya
  • Bumuhos naman ang congratulatory messages para sa dalawa

Double celebration ang Valentine’s Day para kina comedienne Ethel Booba at boyfriend na si Jessie Salazar.

Imahe mula sa Twitter | Ethel Booba

Ibinahagi ng 43 anyos na si Ethel sa kaniyang Twitter account ang larawan ng bagong silang na anak.

“Welcome to this world, Little Booba. Charot!” sabi niya sa caption. Sa pamamagitan naman ng Facebook page ni Ethel ay nagbahagi si Jessie ng live video kung saan makikitang nakahiga si Ethel sa hospital bed at naghahanda na sa panganganak.

Bumuhos naman ang mga mensahe para sa kanilang mag-asawa.

Nobyembre nang isapubliko ng emosy0nal na si Ethel ang kaniyang estado bilang future mom; matapos na tanghaling kampeon sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime Celebrity Edition.

“Double congratulations to me. [I’m] 6 months pregnant. Pasensya na hindi ako makabuga. Kaya nahihirapan akong kumanta parang lalabas ‘yung bahay bata ko,” sabi niya noon.

Inudyukan siya noon ng host na si Vice Ganda na ibahagi ang magandang balitang ito dahil tiyak daw na magbubunyi ang mga Pilipino.

Imahe mula sa Instagram | Ethel Booba

“Ang Pilipinas ngayon, punung puno ng bad news kaya kapag may good news silang naririnig, nagbubunyi ang Pilipinas. Noong na-engage si Angel Locsin, nagbunyi ang Pilipinas; na-engage si Sarah Geronimo, nagbunyi ang Pilipinas; nagkajowa ako, maraming nagbunyi; nabuntis si Anne Curtis, nagbunyi ang Pilipinas,” sabi ni Vice Ganda. “Parang lahat tayo ay takam na takam sa good news kaya kung may good news ka, kung gusto mong i-share, i-share mo kasi gusto namin ng good news.”

Ginanap ang gender reveal ng kanilang baby girl kasabay ng surpresa ni Jessie kay Ethel para sa kaniyang kaarawan noong Disyembre.

“[Ang wish ko] healthy baby. Sana maging healthy siya,” sabi noon ni Ethel.

Congratulations, Ethel at Jessie!

Loading…