Vanessa Bryant, inalala ang asawang si Kobe sa ‘favorite holiday’ nito

Imahe mula sa Instagram | Vanessa Bryant
  • May mensahe si Vanessa Bryant para sa kaniyang yumaong asawang si Kobe Bryant para sa Araw ng mga Pus0
  • Namimiss niya si Kobe lalo na sa paborito nitong holiday
  • Nagbigay rin siya ng mensahe para sa anak na si Gigi na kasama sa mga sinawimpalad sa plane crash

Nagbahagi ng emosy0nal na Valentine’s Day message si Vanessa Bryant para sa asawang yumao na si NBA legend Kobe Bryant.

Imahe mula sa Instagram | Vanessa Bryant

Sabi niya sa kaniyang post sa Instagram, nami-miss niya raw si Kobe sa paborito nitong holiday. “To my forever Valentine, I love you so much. Missing you so much on your favorite holiday. Te amo per sempre,” saad niya sa caption.

Binati niya rin ang anak niyang si Gigi na kasama ni Kobe na sinawimpalad sa helicopter incident. “Kisses to you and Gigi in heaven. Happy Valentine’s Day, my babies. With all my love, your boo-boo,” sabi niya.

Sinamahan niya rin ito ng larawan nila ni Kobe na may background song na “Tell Him.”

“Though I may suffer, I’ll envy it not and endure what comes ‘cause he’s all that I got and tell him. Tell him I need him. Tell him I love him,” sabi ng bahagi ng awitin.

Imahe mula sa Instagram | Kobe Bryant

Sa una niyang post matapos ang pagbagsak ng helicopter na sinasakyan ng kaniyang mag-ama kasama ang pitong iba pa ay nagpasalamat siya sa lahat ng mga nagpaabot ng suporta at pakikiramay sa kanila. “My girls and I want to thank the millions of people who’ve shown support and love during this h0rrific time. Thank you for all the prayers. We definitely need them,” aniya.

Sabi rin noon ni Vanessa, walang salita na makapaglalarawan sa sakit na nararamdaman nila.

“I take comfort in knowing that Kobe and Gigi both knew that they were so deeply loved. We were so incredibly blessed to have them in our lives,” aniya. “I wish they were here with us forever. They were our beautiful blessings taken from us too soon.”

Loading…