Vaping sa pampublikong lugar, pormal nang ipinagbawal ni Pangulong Duterte

  • Pormal nang ipinagbawal ni Pangulong Duterte ang vaping sa pampublikong lugar
  • Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang EO 106 na nagpapalawig sa nationwide smoking ban upang masakop ang vaping
  • Itinaas na rin sa 21 ang edad ng mga kabataan na maaaring bentahan ng mga ganito produkto mula sa dating 18

Naglabas ng executive order si Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapalawig sa nationwide smoking ban sa enclosed public places upang masakop ang paggamit ng hindi rehistradong vapes, electronic cigarettes at iba pang tobacco products.

Imahe mula sa PCOO

Sa ilalim ng Executive Order 106, ipinagbawal ni Pangulong Duterte ang vaping maliban na lang sa mga designated smoking areas. Ito ay maaaring isang open space o isang enclosed na lugar na mayroong “proper ventilation.”

Ipinagbabawal na rin, sa ilalim ng nasabing executive order, ang pagbebenta ng mga e-cigarettes na hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

Ang mga e-liquids, solutions o refills na bumubo sa eletronic nicotine, non-nicotine delivery systems o heated tobacco products ay dapat irehistro sa FDA at dapat din umanong pasado sa pamantayang ipinatutupad ng Department of Trade and industry.

Nakapaloob sa EO 106 ang ulat ng Department of Health na makukuha rin sa paglanghap ng mga usok mula sa vape ang sari-saring sakit na idinudulot ng paninigarilyo.

Nakatakdang maglabas ng mga patakaran ang FDA sa pagpaparehistro ng vape products. Magkakaroon din ng guidelines para sa pag-iisyu ng license to operate para sa mga establisimyentong magbebenta ng mga vape products at mga sangkap nito.

Imahe mula sa Pixabay

Sa ilalim ng EO 106, inaatasan ang mga establisimyento na magtalaga ng smoking at vaping area.

Ang mga nakapaskil na babalang  “No Smoking Zone” ay papalitan na ng “Non-Smoking/Vaping Buffer Zone.” Habang “Designated Smoking/Vaping Area ang dapat ipaskil sa mga lugar sa loobng gusali na maaaring gumamit nito.

Itinaas na rin sa 21 ang edad ng mga kabataan na maaaring bentahan ng mga ganitong produkto mula sa dating 18.

Imahe mula sa Pixabay

Loading…