Vickie Rushton, sasabak sa Binibining Pilipinas sa ika-3 pagkakataon

Imahe mula sa Instagram | Vickie Rushton
  • Nagpasa ng application si Vickie Rushton sa Binibining Pilipinas 2020
  • Kung papalaring mapabilang sa mga opisyal na kandidata ay ikatlong beses na niyang tatapak sa Binibing Pilipinas stage
  • Nagpasalamat siya sa kaniyang mga taga-suporta sa patuloy na pagtitiwala sa kaniya

Nagpasa ng kaniyang application sa Binibining Pilipinas 2020 si Vickie Rushton. Kung mapapabilang sa mga opisyal na kandidata ay ito ang pangatlong beses niyang tatapak sa entablado ng Binibini.

Imahe mula sa Instagram | Vickie Rushton

Sa kaniyang post sa Instagram, nagpasalamat siya sa kaniyang mga taga-suporta na dahilan daw kung bakit naglakas-loob siyang muling sumali rito.

“Since the announcement, I have been receiving lots of words of encouragement. I have read your messages, comments, and posts. And for that, THANK YOU. You are the reason why I will never stop trying,” sabi ni Vickie. “I just want to thank all of you for believing in me. Yes, I have fears, it’s normal, but I know I can do this because I have YOU by my side.”

Taong 2018 nang una siyang sumali sa Binibining Pilipinas, kung saan siya ang itinanghal na first runner up.

Noong isang taon ay sumali muli siya ngunit hanggang sa Top 15 lamang siya umabot. Marami ang nanghinayang para kay Vickie, na isa noon sa pinakamalakas na kandidata na inaasahang mag-uuwi ng major crown. Hindi kasi niya nasagot nang maayos ang tanong sa question and answer portion ng pageant.

Imahe mula sa Instagram | Vickie Rushton

Sa isang interview, sinabi niyang nanghihinayang siya dahil alam niya kung ano ang sasabihin ngunit na-distract siya sa isang audience. “Nasayangan ako. I know kung ano ang sasabihin ko, pero may nang-distract sa akin sa audience. May tumayo at nag-make face,” kuwento niya.

Tanong ni Daniel Padilla kay Vickie, “Why is mental health as important as physical health?”

“Mental health is as important as physical health because of our inner being. Having self love is important. And as a woman, I can inspire and empower the people to take care of themselves. To take care of their minds because they will be as effective…,” sabi ni Vickie, na hindi na natapos ang kaniyang sagot dahil naubos ang oras.

Loading…