Vicky Morales, una munang naging ‘talent’ ni Charo Santos sa ABS-CBN bago naging journalist sa GMA Network

  • Minsan palang naging Kapamilya ang GMA News pillar na si Vicky Morales
  • Naging talent daw siya noon ni Charo Santos ng ilang buwan sa ABS-CBN
  • Nag-audition daw siya sa isang newscast para sa GMA noon at napili siya kaya naging Kapuso

Isa sa mga haligi ng GMA News and Public Affairs ang journalist na si Vicky Morales. Mukha na siya ng iba’t ibang show ng Kapuso network na patuloy na naghahatid ng serbisyong totoo tulad ng 24 Oras, Saksi, at ang katatapos lamang na Wish Ko Lang.

Ngunit ang mahigit tatlong dekada nang Kapuso na si Vicky ay minsan din palang naging Kapamilya?

Sa isang panayam sa mga reporter sa YouTube, isinalaysay ni Vicky na minsan siyang naging talent ni Charo Santos noong 1990 sa bakuran ng ABS-CBN.

Larawan mula sa Facebook

Naghahanap daw kasi noon ng magiging talents ang ABS-CBN executive na si Charo at ini-refer si Vicky ng kanyang dating professor dito. Nag-meet daw sila ni Charo at tinanong kung gusto ba nitong mag-artista. Sumagot naman si Vicky na hindi niya raw ito linya at gusto niyang maging journalist at newscaster.

“Sabi ko, parang artista… hindi ‘yon ang pakay ko… Gusto ko talaga news… journalism…” sambit ni Vicky na agad naman daw na naunawaan ni Charo kaya iniligay siya dalawang news show ng ABS-CBN noon.

“So nilagay niya ako sa dalawang shows. Yung isa parang medyo serious… Mga writers, mga opinion writers ang naghu-host… Yung isa naman, parang ilalagay din kita sa isang… parang cultural show… Tatak Pilipino…” pagpapatuloy ni Vicky.

Paglalahad pa ni Vicky, very hands on daw noon si Charo sa kanya at patuloy na nagbibigay ng tips kung paano mas mapapabuti ang kanyang trabaho. Naging executive producer din daw niya noon sa ABS-CBN ang isa pang batikang journalist na si Korina Sanchez.

Larawan mula sa Facebook

Ngunit hindi rin naman daw siya nagtagal sa ABS-CBN at nakailang episode lang siya sa shows na kinabilangan. Nang mapanood niya raw ang anunsiyo sa GMA Network na naghahanap sila ng bagong reporter, agad raw siyang nag-audition ngunit wala siyang sinabihan.

Hindi raw naging madali ang pinagdaanan niya sa audition dahil mula sa 500 na sumubok, tanging isa lamang ang makapapasok. Pinalad namang si Vicky ang pumasa sa panlasa ng mga boss ng public affairs noon. Napasama siya sa late night newscast na GMA Headline News kasama sina Tina Palma at Jose Mari Velez.

Panoorin ang panayam kay Vicky Morales sa kanyang journey bago maging Kapuso:

Loading…