
- Mga viewers nadismaya nang iboto para sa finals ng AGT: The Champions si Hans
- Hindi raw “championship level” ang talento ni Hans, isang German song and dance entertainer
- Si Hans ay nakasama sa finals dahil sa boto ng superfans
Masama ang loob ng maraming viewers ng America’s Got Talent (AGT): The Champions nang ipahayag ang pangalan ng mga contestants na makakasama sa final round ng talent show competition.

Marami ang nagpahayag ng kanilang saloobin sa social media tungkol sa isang contestant na hindi umano karapat-dapat bilang finalist. Galit sila na ibinoto si Hans, ang German song and dance entertainer, para sa final round ng contest.
Si Hans ay ibinoto ng superfans upang makapagpatuloy sa final round. Ang superfans ay mga dedicated viewers ng AGT na pinili ng producer ng show bilang kinatawan ng 50 states ng United States of America. Hindi ipinakikita kung paano sila bumoboto.
Naging kontrobersyal ang desisyon ng superfans na piliin si Hans para sa finals dahil hindi iilan ang kumwestyon sa talento ng German entertainer kumpara sa talento ng iba pang semi-finalists ng AGT: The Champions.
Bagama’t maganda at entertaining naman ang naging performance ni Hans, ang singing voice niya ay kailangan pa umanong paghusayin. Ayon sa mga galit na viewers, hindi maituturing na “championship level” ang talento niya.

“Really? Hans goes through? His singing and dancing aren’t even good. He’s entertaining, but this is about more than entertainment. This is a talent competition, not a popularity contest.”
“Still not impressed with Hans!! No way he belongs on Champions. Still more impressed with his past performances on other season he was on.”
“If Hans wins AGTChampions I will not watch the show anymore.”
“Told my wife that if you sent Hans through I was done with AGT. Guess I am done.”

Babalik sa susunod na linggo para sa finals sina Hans, Tyler Butler-Figueroa, Alexa Lauenburger, Sandou Trio Russian Bar, Duo Transcend, at ang pambato ng Pilipinas na si Marcelito Pomoy. Makakalaban nila ang apat na nabigyan ng Golden Buzzer na sina Angelina Jordan, Boogie Storm, V. Unbeatable at Silhouettes.