Viral jeepney driver na namataang naglalaro ng ML habang pumapasada, maaaring matanggalan ng lisensiya

  • Natunton na ng mga awt0ridad ang viral jeepney driver na namataang naglalaro ng Mobile Legends habang namamasada
  • Ayon sa LTO, maaaring masuspinde o tuluyang matanggalan ng lisensiya ang drayber dahil sa ipinakita nitong  kapabayaan sa kalsada
  • Para naman sa isang health expert, maaaring nakararanas ang lalaki ng game addicti0n na itinuturing ng World Health Organization bilang isang karamdaman 

Isa ka ba sa mga naniniwala sa kasibihang “ML is life?

Imahe mula sa Facebook video na ibinahagi ni Maymay Quimpo

Kung kabilang ka sa maraming mamamayan na gagawin ang lahat maisingit lang ang paglalaro ng mobile game na Mobile Legends, kailangan mo na ring simulan na pag-isipan kung ano ang nagiging epekto nito sa iyong kalusugan, relasyon sa ibang tao, maging sa iyong pagdedesisyon sa buhay.

Ayon sa Land Transportation Office (LTO), natunton na nila ang jeepney driver na nag-viral kamakailan matapos mamataang naglalaro ng Mobile Legends sa kasagsagan ng kaniyang pamamasada.

“Ipinagbabawal po ‘yan. ‘Pag nawala lang ang iyong paningin ng ilang seconds, puwedeng magresulta ‘yan ng banggaan,” ayon kay LTO Law Enforcement Unit Deputy Director Roberto Valera matapos panoorin ang video ng drayber, sa ulat ng 24 Oras

Bagama’t nalaman na ng ahensiya ang pagkakakilanlan ng viral na tsuper ng jeep, hindi pa rin umano ito sumasagot sa ipinadala nilang “show cause” order ukol sa pangyayari.

Dagdag ni Valera, maaaring masuspinde o kaya ay tuluyang makansale ang lisensiya ng drayber dahil sa ipinakita nitong kapabayaan habang nagmamaneho ng pampublikong sasakyan.

“Nasa section 27 Republic Act 4136 ‘yan na pag ang driver ay considered as an improper person to drive, pwede ‘yan i-suspend o irevoke ang drivers’ license,” pahayag nito.

Imahe mula sa Youtube video ng GMA News

May paalala naman ang mga eksperto hinggil sa labis na pagkahumaling ng sinuman sa mobile games.

“The urge or the impulse to use the device or to play the online game ay di na naisasantabi in order to make a good judgment. It can cause safety problems not just for himself but also for other people,” ani Dr. Jabbie Remigio na isang clinical psychologist.

May posibilidad umanong nararanasan ng lalaking jeepney driver ang tinatawag na game addicti0n na siyang itinuturing na sakit ng World Health Organization (WHO).

Source :

Youtube, GMA, Facebook

Loading…