Vlogger gumawa ng parody ng sikat na Wish Bus; sa isang e-Trike ginawa ang kanilang ‘Binalewala’ cover

  • Trending sa social media ang parody ng isang vlogger sa sikat na Wish Bus
  • Ngunit imbes na sa isang bus, sa isang e-bike o e-trike sila nagtanghal
  • Ginawan nila ng parody ang sikat na hugot song na Binalewala ni Michael Dutchi Libranda

Pinasigla ng radio station na Wish 107.5 ang industriya ng Original Pilipino Music (OPM) dahil sa kanilang literal na paandar —ang Wish Bus.

Sa loob ng kanilang customized bus ay nagtatanghal sa iba’t ibang lugar sa bansa ang mga sikat na local at foreign artists. Umaani ng hanggang sa daang milyong views ang kanilang mga upload sa YouTube.

At dahil sa kasikatan, naging tema tuloy ng isang parody vlog ang masasabing pinakasikat na bus sa bansa ngayon. In-upload ng vlogger na si Brother Louie Louie ang kanilang kakaibang edisyon ng Wish Bus. Ngunit imbes na sa loob ng bus ito gawin, ginawa nila ang kanilang viral cover sa loob ng isang e-tricycle. Opo, sa e-Trike nga!

Larawan mula sa video ni Brother Louie Louie

Ni-lip sync ni Brother Louie Louie ang sikat na hugot song ngayon na Binalewala ni Michael Dutchi Libranda.

Ginamit niya rin na kanta ang naging performance ni Michael sa Wish Bus. Kasama ni Brother Louie Louie sa kanyang parody ang dalawa pang lalaki na may hawak na gitara na walang strings habang ang isa ay may dalang computer keyboard sa halip na music keyboard.

Marami ang na-good vibes sa kal0k0hang ito ng vlogger. Marami ang naaliw sa mahusay na pagkaka-lip sync niya sa pagkakanta ng original na singer. Ang ilan naman ay hindi mapigilang matawa sa literal na ‘keyboardist’ ni Louie at sa gitarista na feel na feel ang pagtipa ng chords sa hangin.

“Lupet nga string-less guiar. At literal na keyboard talaga ang ginamit. Trike patrol ba name ng band ninyo?” sabi ng isang netizen na natuwa sa pakwela ng tatlong lalaki sa viral video.

Tinawag din nila ang kanilang cover na Wish 107.555 Sardines FM – E-bike edition na naka-upload rin sa YouTube channel ni Brother Louie Louie.

Larawan mula sa video ni Brother Louie Louie

Agad na nag-viral sa Facebook ang parody video na ito. Umabot na sa halos 2.5 million ang views nito kasama pa ang 72,000 reactions na karamihan ay ‘haha,’ 6,200 comments, at 61,000 shares. May ilang Facebook pages din na nag-reupload ng video at umabot din ito sa halos 4 million views.

At dahil bumenta sa madla ang Wish E-bike ni Brother Louie Louie, masaya niyang sinabi sa kanyang fans at followers na mayroon pang mga susunod na cover ang kanilang banda. Tinatanong pa nga niya kung saan gusto ng fans na dumaan ang kanilang e-Trike.

Panoorin ang kakaibang Wish 107.555 Sardines FM – E-trike edition, sa Facebook man o YouTube:

Loading…