Vlogger na si Cong TV, binigyan ng pang-abono ang matandang delivery man na natapon ang kanyang ihahatid na pagkain

  • Trending sa social media ang pagtulong na ginawa ng vlogger na si Cong TV
  • Binigyan niya kasi ng pang-abono ang isang delivery guy na natapon ang dadalhing pagkain
  • Marami ang natuwa sa ginawang ito ni Cong TV at sinabing sana ay mas maging successful pa siya

Madalas nating makita ang mga paborito nating vlogger na makulit at nagbibigay ng aliw sa mga manonood. Ang karamihan sa kanila ay nagpapakita ng kanilang nakatatawang personalidad na talaga namang nagbibigay ng good vibes sa atin tuwing tayo ay nalulumbay.

Ngunit may mga pagkakataong napapasaya tayo ng mga hinahangaan nating vlogger, hindi dahil sa contents na ginagawa nila sa kanilang mga channel. Ang iba, umaantig sa damdamin ng marami dahil sa kabutihang taglay at pagtulong sa kapuwa.

Larawan mula sa Facebook post ni James Larracas

Ganito ang laman ng post ng isang netizen na isinasalaysay ang kabutihang-loob ng vlogger na si Cong TV. Nakita raw ni James Larracas si Cong TV sa isang lugar sa Parañaque na kausap ang isang matandang lalaki. Delivery man pala ito at ‘di sinasadyang natapon ang ihahatid sana nitong pansit.

Nahabag daw si Cong sa kanyang nakita kaya naman binigyan niya ang nakaaawang matanda ng pang-abono sa natapong pansit. Naantig daw si James sa kanyang nakitang pagtulong ng idolo niyang vlogger. Akala niya raw ay puro kal0kohan lang ang alam nito dahil ito ang image niya sa kanyang vlog.

“Grabe.. Napakabait talaga ni Cong TV. Natapon yung de-deliver ni tatay na pansit. Sakto napadaan si Cong. Binigyan na lang niya ng pera para may pang abono si Tatay sa pansit. Iba pala talaga. Kala ko puro kal0kohan lang. Salute sa iyo idol,” sabi ni James sa kanyng post.

Agad na nag-viral sa social media ang kanyang post. Habang isinusulat ng balitang ito ay nasa dalawang oras pa lang na naka-post ang mga larawan ng pagtulong ni Cong. Ngunit nagkamit na agad ito ng halos 40,000 reactions, 300 comments, at 55,000 shares.

Larawan mula sa Facebook post ni James Larracas

Maraming netizens naman ang nagpaabot ng paghanga sa ginawang ito ni Cong. Sabi nila, nararapat lamang dawn a mas dumami pa ang fans at followers nito dahil marunong itong gumawa ng kabutihan para sa kapuwa sa kabila ng kasikatan.

“Buti na lang, napadaan si Cong. Kung nagkataon, kawawa naman si Manong. Kudos sa iyo Cong. Sana ay lalo kang maging successful!” pahayag ng isang netizen.

Loading…