‘We can finally do our sleep over:’ Pinsan ni Matteo Guidicelli, masaya raw para sa bagong kasal

Imahe mula sa Instagram | Mia Arcenas Branellec
  • Nagbahagi ang pinsan ni Matteo Guidicelli na si Mia Arcenas Branellec ng mga larawan ng bagong kasal
  • Binati niya ang mga ito at sinabing masaya siyang makakasama na nila sa sleep over si Sarah
  • May espesyal na mensahe rin siya para kay Matteo na usap-usapang nanakit ng close in security ni Sarah

Sunud-sunod na Instagram stories ang ibinahagi ng pinsan ni Matteo Guidicelli na si Mia Arcenas Branellec, na masaya raw na makakasama na nila sa sleep over si Sarah Geronimo ngayong kasal na ang dalawa.

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli

“Love truly endures all. Congratulations, Matts and Sarah,” sabi niya sa isang larawan na kuha mula sa kasal ng kapatid ni Matteo.

Sinundan pa ito ng isang post kung saan tinawag niyang Mr. and Mrs. Guidicelli ang dalawa. Masaya rin daw siya dahil makakapag-sleep over na sila kasama si Sarah. “We can finally do our sleep over! We love you, guys!”

May hiwalay na mensahe rin si Mia para sa pinsan. “We were born days apart and knowing you basically from day 1, you have always been the go getter, fearless, driven, passionate, loving, giving, and kind,” aniya. “Finally, the day has come. God has blessed you with Sarah. Together, you will be stronger to create a life you both deserve, and that is a life filled with endless love.”

Imahe mula sa Instagram | Mia Arcenas Branellec

Unang lumabas ang balitang ikakasal na sina Sarah at Matteo noong February 20 sa artikulo ng entertainment reporter na si Ricky Lo. Sinubukan itong pasinungalingan ng dalawa nang magbahagi ang mga kasama ni Sarah sa The Voice Teens ng mga video sa taping nila noong araw, habang si Matteo naman ay nasa gym.

Ngunit madaling araw ng February 21 ay dumulog sa pulisya ang close in security ni Sarah dahil sinunt0k umano siya ni Matteo sa lalamunan. Hindi raw kasi nila inaasahang darating sa civil wedding ang ina ni Sarah na si Mommy Divine at siya raw ang pinagbintangan ni Matteo na nagbigay ng impormasyon dito.

Sa ulat ni Mario Dumaual ay itinanggi ito ni Matteo at sinabing wala siyang sinunt0k.

Loading…