Witty: Kakaibang pangalan ng beauty salon na hinango sa isang PH airline, naghahatid ng good vibes sa netizens

  • Trending sa social media ang larawan ng isang beauty salon na mayroong kakaibang pangalan
  • Hinango kasi ang pangalan nito sa Philippine Airlines at naging Philippine Hair Lines
  • Maraming netizens naman ang na-good vibes sa pangalang ito at nagpaabot ng iba’t ibang komento

Hindi talaga nawawala sa maraming pagkakataon ang sense of humor ng mga Pilipino. Makikita ang masiyahin at witty na Pilipino sa panahon man ng suliranin o mga kalamidad. Nakagagawa pa rin ng paraan ang maraming Pinoy para pasiyahin ang kanilang mga sarili at maging ang kanilang kapuwa.

At ang pagiging malikhain at mapaglaro ng mga kababayan natin ay nakikita rin maging sa kanilang mga negosyo. Marami sa mga negosyante ay nagtutuon ng atensiyon at oras hindi lamang sa pagpapaganda ng kanilang serbisyo at mga produkto, ngunit maging sa nakatutuwang pangalan ng kanilang negosyo.

Larawan mula sa Facebook post ni Ken

Ganito ang laman ng post ng isang Facebook user na mayroong pangalan na Ken. Ibinahagi niya sa kanyang account ang larawan ng isang salon na hango sa isang malaking airline. Mula sa kilala nating flag carrier Philippine Airlines (PAL), tila nagkaroon ito ng counterpart na naka-focus naman sa pagpapaganda na tinawag na Philippine Hair Lines.

Isang salon kasi ang Philippine Hair Lines kaya naman umangkop ang witty na konsepto ng may-ari na ipangalan ito sa sikat na PAL. Agad namang pumatok sa mga netizen ang larawan ng nakagu-good vibes na pangalan ng salon.

Dahil dito, nag-viral sa Facebook ang post ni Ken at habang isinusulat ang balitang ito, may halos 2,800 reactions na ito na karamihan ay ‘haha,’ 580 comments, at 4,300 shares na ang nakuha ng larawan. Nagpaabot naman ng kanilang komento ang mga netizen tungkol sa kakaibang konsepto ng pangalan ng salon.

May isang nagmungkahi na sa tuwing may papasok daw sa salon o may customer sa loob, mayroon daw dapat na boses na mag-aanunsiyo na “Mabuhay!!! Thank you for choosing Philippine Hair Lines,” na hango sa announcement kapag sumasakay sa eroplano.

Larawan mula sa Facebook post ng Philippine Airlines

Ang ibang netizens naman na may pangarap na makapasok sa PAL ngunit hindi pinalad, sinabing dito na lamang sa Philippine Hair Lines mag-apply. At least daw, isang letra lang ang nadagdag sa dream job nila, pero sound-alike pa rin naman daw.

Naging tampulan naman ng asaran ang witty na pangalan ng salon. Sabi nila, para daw may pag-atake ang pangalan sa mga matataas ang hair line at inaasar na paliparan o airport ang kanilang malapad na noo.

Loading…