Xian Lim isa rin palang mahusay na ventriloquist

  • Multi-talented actor na si Xian Lim, isa ring mahusay na ventriloquist
  • Dahil isang only child, swak daw sa kanya ang ventriloquism dahil nakakausap niya ang kanyang dummy na si Junjun
  • Ipinakita ni Xian ang husay bilang isang ventriloquist sa talk show na “Magandang Buhay”

Kilala si Xian Lim bilang off- and onscreen partner ng aktres na si Kim Chiu. Bukod sa pagiging mahusay na aktor ay marami pang talento si Xian.

Screenshot mula sa Magandang Buhay

Magaling na singer at kayang tumugtog ng maraming music instruments tulad ng piano, saxophone, trombone at gitara. Namana ni Xian ang hilig sa pagtugtog ng mga instrumento sa kanyang ina na isang piano teacher.

Isa rin siyang professional basketball player. May taas na 6’2,” siya ay kabilang sa mga players ng Mandaluyong El Tigre na naglalaro sa Maharlika Pilipinas Basketball League na itinatag ni Senator Manny Pacquiao.

Isang magaling na director din si Xian. Naidirihe niya ang sariling music video, isang short film na pinagbidahan ng mag-inang Mara at Maria Isabel Lopez at ang una niyang full-length feature film sa Cinemalaya na pinamagatang “Tabon.”

Sa pagbisita ni Xian sa talk show na “Magandang Buhay” noong Lunes, ika-17 ng Pebrero, sinurpresa niya ang mga tagahanga sa isa pa niyang kakaibang talento. Isa rin palang ventriloquist ang aktor.

Nagsimula raw siyang magkahilig sa ventriloquism nang mapanood niya sa internet ang video ng mga mahuhusay na Pinoy ventriloquists.

Screenshot mula sa Magandang Buhay

“Sabi ko nakakatuwa ito may kausap sila, nag-uusap sila. Ako naman sobrang swak sa akin kasi I’m an only child, wala akong kapatid. Sabi ko, okay ito puwede akong may kausap. Hinanap ko ang mga ventriloquist natin dito sa Pilipinas and I ordered it. It took six to seven months,” kuwento ni Xian sa mga hosts ng show.

Ipinakilala ni Xian sa show si Junjun, ang dummy na ginagamit niya sa bagong sining na pinagkakaabalahan, at nagpakita ng husay niya sa ventiloquism.

Importante umano kay Xian na laging may bagong bagay na natututunan.

Screenshot mula sa Magandang Buhay

Aniya, natutunan daw niya sa kanyang ina na hindi ka dapat tumigil na matuto ng mga bagong bagay.

“Kasi parang sobrang iksi lang ng buhay natin and it’s really good to make use of your time na parang lagi kang may natututunan,” paliwanag niya.

Samantala, handa ka na bang makilala si Junjun sa video na ibinahagi ng “Magandang Buhay?”?

Loading…