Zaijan Jaranilla, binata na; inaming may nobya na

  • Inamin ng dating child star at ngayon ay binatilyo nang si Zaijan Jaranilla na may nobya na siya
  • Pagbubunyag rin niya, hindi pa raw siya nakaranas na ma–reject ng babaeng niligawan niya
  • Nakilala si Zaijan bilang “Santino” sa penomenal na teleseryeng “May Bukas Pa” noong 2009

Kay bilis uminog ng panahon. Ang dating maliliit, malalaki na ngayon. Hindi namamalayan ang paglaki dahil sa labis na pagkaabala ng mga tao.

Isa na riyan ang mga sikat na child star, na ngayon ay malalaki’t binata na. Isa na riyan ang binatilyong aktor na si Zaijan Jaranilla, na nakilala sa kaniyang karakter bilang “Santino” sa phenomenal teleseryeng ‘May Bukas Pa” noong 2009. Inamin ni Zaijan sa kaniyang panayam kay Boy Abunda sa “Tonight With Boy Abunda” o TWBA na may nobya na siya.

Image capture mula sa ABS CBN Entertainment

Isa sa mga naging highlights ng panayam ang pag-amin ni Zaijan na may nobya na siya. Sinabi rin niyang hindi pa raw niya nararanasan ang ma–reject ng babae. Pinag–usapan din ang mga litrato niya sa social media kung saan makikita ang kaniyang abs. Hindi umano siya nagtutungo sa gym subalit gumagamit siya ng dumb bells sa bahay.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. Sabi ng isa, “Kapag nakikita ko itong batang ito na binata na ngayon mas nare–realize kong ang tanda ko na talaga.”

“Binata na talaga si Santino, ang bilis ng panahon, ang tanda ko na talaga hahaha… kapag nakikita ko siya, naaalala ko ang batang nagdadasal kay ‘Bro’. Sana dumami pa ang mga proyekto niya dahil mahusay naman siyang artista. Sana rin hindi siya matulad sa ibang child star na nalihis ng landas,” pag–asam naman ng isa.

Turan naman ng isa, “Ang cute ni Zaijan! More projects for him please! Please ‘Bro’!”

Image capture mula sa ABS CBN Entertainment

Bumida si Zaijan sa original iWant series na “Story of My Life”  bilang si Rex. Huling napanood si Zaijan sa fantaseryeng “Bagani” noong 2018.

Loading…