2,000 COVID-19 test kits mula sa China, dumating na sa bansa

Imahe mula sa Chinese Embassy/PNA
  • Nakatanggap ng 2,000 ‘fast test kits’ para sa COVID-19 ang Pilipinas mula sa China
  • Kaya nitong maglabas ng resulta sa loob lamang ng tatlong oras
  • Pauna pa lamang daw ang tulong na ito dahil magpapadala pa sila ng personal protective equipment para sa mga frontliners

Nagbigay ang Chinese Embassy at China Mammoth Foundation sa bansa ng 2,000 pirasong COVID-19 test kits na kayang maglabas ng resulta sa loob lamang ng tatlong oras. Makatutulong ito upang ma-detect nang maaga ang mga kas0 ng COVID-19 sa bansa nang sa gayon ay hindi na ito tuluyang kumalat pa.

Imahe mula sa Wikimedia Commons

Ang “fast test kits” na ito ay ginawa raw ng China BGI Group at kayang magbigay ng “reliable results. Ipinadala na rin nila ang mga ito sa 50 mga bansa kagaya na lamang ng Japan, Thailand, Brunei, Egypt, Peru, at United Arab Emirates.

Ayon kay Chinese Ambassador Huang Xilian, pauna pa lang ang test kits na ito dahil magpapadala pa sila ng ibang mga gamit para sa mga frontliners.

“We will be donating personal protective equipment like protective clothing, facial masks as well, and it will be announced,” aniya.

“We have taken note of all the measures implemented by your government and your inter-agency task force, and we believe that only under the leadership of Duterte administration we’ll be able to overcome this and we fully support the efforts of the government and your people fighting the epidemic.”

Imahe mula sa Wikimedia Commons

“The Chinese government and people sympathize greatly with (the) Philippines (and) are willing to lend a helping hand. China has been sharing to the Philippines our anti-epidemic experiences, carrying out close medical experts-level cooperation with your country,” sabi naman ni Xilian.

Una nang isinisi sa kakulangan ng test kits sa Pilipinas ang “underreporting” sa kas0 ng COVID-19.

Sa kasalukuyan ay isinailalim na sa enhanced community quarantine ang buong Luzon. Ibig sabihin, kailangang sundin ang ipinatutupad na home quarantine. Wala rin munang bibiyaheng mga pampublikong transportasyon.

Source :

PNA

Loading…