90s feels: Backstreet Boys nagkaroon ng online performance para aliwin ang mga fans na naka-home quarantine

  • Inaliw ng 90s boyband na Backstreet Boys (BSB) ang kanilang fans na naka-home quarantine ngayon
  • Nagtanghal kasi sila sa isinagawang living room concert ng isang radio station sa Amerika
  • Marami ang nag-feeling nostalgic sa naging performance ng sikat na boyband

Dahil hindi na rin mapigilan ang kaso nang mayroong C0VID-19 sa United States, nagpapatupad na rin sila ng home quarantine sa kanilang mga residente upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng nasabing karamdaman.

Isa sa mga naging paraan ng iHeartradio at FOX network ay ang pagkakaroon ng isang online concert para aliwin ang mga Amerikano na nasa home quarantine sa mga panahong ito. Tinawag ang online concert na napanood sa FOX bilang ‘Living Room Concert for America.’

Larawan mula sa FOX

Maraming beterano at mga baguhang pangalan sa music industry ang nagtanghal. Pero ang pinakagumawa ng ingay online ay ang pagsasama-samang muli ng 90s boyband na Backstreet Boys (BSB). Marami ang nag-feeling nostalgic sa performance ng isa sa mga pinaka-successful na boyband sa mundo.

Magkakahiwalay man, kompleto naman sa naging living room concert special ang limang miyembro ng BSB na sina Aj McLean, Howie Dorough, Nick Carter, Brian Littrell, at Kevin Richardson na wala pa ring kupas ang husay sa pag-awit at pag-perform.

Kinanta nila ang kanilang classic hit song na I Want It That Way. Bonus ang pasilip ng BSB members sa kani-kanilang bahay sa iba’t ibang bahagi ng America. Mayroong nag-perform sa living room, mayroong nag-explore sa kanilang music room, habang ang iba naman ay ipinasilip ang kanilang swimming pool.

May special appearance din ang mga anak ni Kevin na sina Mason at Maxwell. Ipinakita rin ng dalawang bata ang kanilang husay sa pagtugtog ng drums na lalong nagbigay ng ngiti sa mga manonood.

Larawan mula sa FOX

In-upload ng content creator na si Austin Kellerman ang full performance ng BSB sa kanyang official YouTube account na ngayon ay umaani na ng libo-libong views at likes. Maraming netizens ang sinariwa ang kanilang fan moment sa boyband era noong late 90s at early 2000s.

Maging ang mga Pinoy na certified boyband fans din ay talaga namang natuwa sa performance na ito. Maliban sa BSB, marami pang international artists ang sumali sa naturang living room concert kasama sina Mariah Carey, Billie Eilish, at Alicia Keys.

Panoorin ang nostalgic BSB performance sa kanilang online concert:

Source :

YouTube, PopSugar

Loading…