A brother’s love: Kuya, nakipag-outfit switch sa kapatid para makakuha ito ng entrance exam

Imahe mula sa Facebook | Jann-marco Christian
  • Pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang kuya na handang magsuot ng skirt upang ipahiram ang pantalon sa kapatid na babae
  • Hindi raw kasi papayagang kumuha ng entrance exam ang kaniyang kapatid kung skirt ang suot nito kaya ipinahiram niya rito ang kaniyang pantalon
  • Aniya, sana raw ay maging inspirasyon ito upang maging mas mabuti sa kapwa, lalo na sa mga kapamilya

Ano ang kaya mong gawin para sa iyong kapatid?

Imahe mula sa Facebook | Jann-marco Christian

Ang isang kuya, pinag-uusapan ngayon sa social media dahil handa siyang suotin ang skirt ng kaniyang kapatid upang mapahiram dito ang kaniyang pantalon. Ginawa niya ito upang makakuha ang kapatid ng entrance exam.

“My sister cannot take her college admissions test wearing this skirt, so I let her borrow my pants,” sabi ng uploader na si Jann-marco Christian sa kaniyang Facebook post. Sa kasalukuyan ay may mahigit 25k reactions at 17k shares na ito.

Ikinagulat ni Jann-marco ang bilang ng mga naaliw sa kaniyang kuwento.

“We never expected this to blow up. It was just a simple familial gesture I did for my sister so that she can take the exam on time and I just wanted to share how cute we look,” sabi niya.

Imahe mula sa Facebook | Jann-marco Christian

Natuwa raw siya na marami ang na-touch sa kanilang magkapatid.

“It is an honor that we were able to tug in your heartstrings and I hope these photos will encourage everyone to be kinder to one another — especially towards family,” aniya.

Ang isang nagkomento sa post, tinawag ang ginawa ni Jann-marco na “a gesture of love and understanding.” Ang netizen na si Willier, sinabing handa rin niyang gawin ito para sa kaniyang mga kapatid.

“I will do this for my sisters kaso hindi kasya,” sabi niya.

Si Rhealyn O., sinabing kahit natawa siya sa post ay na-inspire din daw siya nito. Ang iba pang netizens, napa-“sana all” na lang sa kabutihan ni Jann-marco.

Source :

Facebook

Loading…