ABS-CBN binigyan ng provisional permit para makapag-operate

  • ABS-CBN binigyan ng NTC ng provisional authority to operate
  • Ang hakbang na ginawa ng NTC ay kasunod ng hiling sa pamamagitan ng isang liham mula sa House Committee on Legislative Franchises
  • Kinukwestiyon ni Atty Larry Gadon na ginawang basehan ng NTC ang liham ng House Committee para mag-isyu ng provisional authority sa ABS-CBN

Pumayag ang National Telecommunications Commission (NTC) na isyuhan ng provisional authority ang higanteng broadcasting network na ABS-CBN upang makapag-operate ito habang hindi pa naaaprubahan ang renewal ng franchise nito.

Imahe mula sa Bilyonaryo

Ang pagbibigay ng provisional authority ay inanunsyo ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba noong Martes, ika-10 ng Marso sa ginawang pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises sa pangunguna ni Palawan Rep. Franz Alvarez.

“May I assure this committee that barring a gross violation of its franchise of the NTC rules and regulations, the NTC will follow the latest advice of the DOJ (Department of Justice) and let ABS-CBN continue operations based on equity,” pahayag ni Cordoba.

Ang hakbang na ginawa ng NTC ay kasunod ng hiling sa pamamagitan ng isang liham mula sa nasabing House committee na pirmado ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Bukod sa nabanggit na liham, ang Senado ay naglabas din ng isang resolusyon na humihiling sa NTC na payagang makapag-operate ang ABS-CBN habang dinidinig sa Kamara ang mga panukalang-batas na naglalayong bigyan ito ng panibagong 25-year franchise.

Screenshot mula sa video ng ANC

“We are comforted by the fact that both chambers of Congress are aligned with the DOJ and the NTC’s take on the issue,” sambit pa ng NTC commissioner.

Samantala, naghain si Atty. Larry Gadon ng petisyon sa Korte Suprema na kumukwestiyon sa liham na ginawa ng House Committee on Legislative Franchises bilang basehan ng pagbibigay ng NTC ng provisional authority sa ABS-CBN.

Nagbigay naman si House Speaker Cayetano ng kanyang opinyon hinggil sa petisyon ni Atty. Gadon.

“Siyempre, ‘pag sinabi ng Supreme Court na bawal ‘yung ginawa ng Congress, ibang usapan. But until that point in time, Atty. Gadon has one opinion in 110 million Filipinos and we don’t share his opinion,” ani Cayetano.

Imahe mula sa PNA

Loading…