Against all odds: Magkasintahan, itinuloy ang kasal kahit naka shirt at jeans lang

Imahe mula sa Facebook | April Noora
  • Hindi man nasunod ang dream wedding ng magkasintahang April Noora at Jed Cargullo dahil sa COVID-19 ay itinuloy pa rin nila ito
  • Malayo sa pinagplanuhan nilang kasal ang naganap na on-the-spot wedding nila suot ang t-shirts at jeans
  • Sa kabila nito ay masaya sila dahil higit sa lahat, ang seremonya ang pinakamahalaga

March 27, 2020.

Ito ang pinakahihintay na araw ng pag-iisang dibdib ng magkasintahang sina April Noora at Jed Cargullo.

Imahe mula sa Facebook | April Noora

Mula sa New Zealand ay lumipad pa sila sa Pilipinas upang masaksihan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan ang kanilang dream wedding.

“Coming home to the Philippines to get married was THE DREAM. Years, sleepless nights, and monumental efforts have been spent preparing for that one perfect day,” ani April sa kaniyang post.

Ngunit dumating ang hindi inaasahan nang ideklara ni Pang. Rodrigo Duterte na isasailalim sa community quarantine ang Metro Manila upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“All of us were waiting excitedly for March 27, 2020 which was supposed to be our day, but when the announcement was made last March 12…our hearts truly sank. Everything was put on hold, but never our love for each other,” dagdag niya.

Sa huli ay nagdesisyon sila na i-cancel na ang kasal. Noong March 14 ay pumunta sila sa Parish of the Immaculate Heart of Mary sa Antipolo upang humingi ng payo kung ano ang dapat nilang gawin. ” The parish priest asked us what we really wanted to do. To get married right on that spot was our answer, and we did,” aniya.

Imahe mula sa Facebook | April Noora

Bagama’t ang pangarap nila ay engrandeng kasalan, hindi na sila nagdalawang-isip na ituloy ang pag-iisang dibdib kahit pa ang suot lamang nila ay t-shirt at jeans.

“The dream was a big ceremony surrounded by our loving friends and family, me in the prettiest white dress, and Jed in the finest suit. But our union happened with just the two of us, wearing plain shirts and jeans,” sabi ni April.

“There was indeed a great difference, but when you are with the right person, what situation you are in would never matter.”

Nagpasalamat sila kay Fr. Jovi Nepomuceno at sa mga office staff ng parokya na tumulong upang matuloy ang kanilang kasal.

“Most would think that it was just bad timing, but for us it was the most perfect thing that happened. Nothing fancy, just love,” pagtatapos niya.

Source :

Facebook

Loading…