Agaw-eksena: Pusang ‘istorbo’ sa among nagti-TikTok, kinaaliwan online

  • Patok sa netizens ang pang-iistorbo ng isang pusa sa amo nitong nagre-record ng TikTok video
  • Sa post na ibinahagi ni CJ Andico, makikita ang pangungulit ng kaniyang alaga habang siya ay kumukuha ng video
  • Marami naman ang naaliw sa ka-cute-an ng pusa kaya nag-trending pa rin ang “epic fail” TikTok video ng netizen sa social media

Kinatuwaan sa social media ang nakaaaliw na panggugulo ng isang pusa sa amo nitong nagre-record ng TikTok video.

Imahe mula sa Facebook video ni Cj Andico

Sa ibinahaging post ng netizen na kinilalang si CJ Andico noong March 1, mapapanood ang pang-iistorbo ng alaga nitong pusa sa kalagitnaan ng kaniyang paggawa ng TikTok video.

Makikita sa unang bahagi nito ang ilang ulit na paggalaw ng mga kamay ng netizen para sana sa kaniyang video at biglaang pagpasok ng kaniyang alaga na tila gustong makipaglaro sa kaniya.

Mapapanood rin na hindi pa doon natapos ang pangungulit ng pusa.

Ilang sandali lang ang nakalipas ay bumalik ito sa frame ng camera at saka maraming beses na nakipag-high five sa amo niya.

“Epic fail” man kung ituring ang TikTok video ni CJ, marami naman ang naaliw sa kakulitan ng kaniyang alaga. Agad ring nag-trending ang video nito sa social media.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 38,000 reactions ang video ng netizen habang nasa lagpas 20,000 na rin ang bilang ng shares nito. Umabot na rin sa mahigit 336,000 ang views nito.

Marami rin ang nagpahayag ng kanilang pagkaaliw sa video ni CJ kasama ang kaniyang alagang pusa.

Paepal naman to, nagtitiktok ako eh

Posted by Cj Andico on Sunday, March 1, 2020

“TikTok with cats are the best,” sabi ni LLD matapos i-share ang orihinal na video.

“Sobrang the best to!” sabi ni RSY sa comment section.

“Hahaha! Ayaw daw niya na mag-Tiktok ka kasi nag-uumpisa ka na. Sini-sistema ka na. Hahaha,” sabi naman ni CCT matapos mapanood ang video ni CJ sa Facebook.

Source :

Facebook

Loading…