ALAMIN: Mga mall sa Metro Manila na pansamantalang magsasara

Imahe mula sa Wikipedia at Ortigas.com.ph
  • Pansamantala munang isasara ang ilang mga mall sa Metro Manila
  • Ito ay upang maiwasan muna ang pag-alis ng mga tao sa kanilang bahay
  • Mananatili namang nakabukas ang mga grocery, drug store, convenience store, bangko, at ilang restaurants sa loob nito

Inanunsyo ng ilang mga mall sa Metro Manila ang pansamantalang pagsasarado nila bilang pagtugon na rin sa pakiusap ng gobyerno. Ito ay upang maiwasan ang pagdami ng bilang ng kas0 ng COVID-19 sa bansa.

Mananatili lamang nakabukas ang mga grocery, drug stores, convenience stores, bangko, at ilang mga restaurants sa loob nito.

Imahe mula sa Facebook | Ayala Malls

Narito ang listahan ng mga mall na kabilang sa mga magsasara muna:

  1. Ayala Malls

Kabilang sa mga magsasara simula March 16 ang Alabang Town Center, Ayala Mals Circuit, Ayala Malls Cloverleaf, Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Legazpi, Ayala Malls Manila Bay, Ayala Malls Marikina, Ayala Malls The 30th, Ayala Malls Vertis North, Fairview Terraces, Glorietta, Greenbelt, Martket! Market!, Shops at Serendra, TriNoMa, at UP Town Center.

“In compliance with the directive of Metro Manila LGUs on General Community Quarantine, please be guided on the temporary closure of Ayala Malls in Metro Manila effective tomorrow, March 16, 2020,” sabi nila.

  1. Greenhills Mall

Nagsara na ang Greenhills Mall simula March 15, “until further notice.”

  1. Power Plant Mall

Bagama’t sarado simula March 15 ay mananatiling bukas ang The Marketplace, Mercury Drug, HP Diagnostics Plus, at ilang mga restaurants sa loob nito upang patuloy na makapagserbisyo.

  1. Robinsons Metro East

Upang makasunod social distancing measures ay isasara rin ang Robinsons Metro East simula March 16, maliban na lamang sa Supermarket, convenience store, drug store, at bangko.

Imahe mula sa Facebook | Robinsons Malls
  1. SM Supermalls

“We have already announced temporary closure of some malls that have a directive and resolution coming from the LGU,” sabi ni SM Supermalls COO Seven Tan. “We are working closely with each LGU and we will abide and support the effort of the government.”

Ipanatutupad ngayon ang community quarantine sa Metro Manila upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Loading…