Alcohol buy-bust ng Biñan laban sa online sellers, pabuyang P10,000 ibibigay sa tipsters

  • Binalaan ni Mayor Dimaguila ang mga abusadong online sellers na nag-ooverprice ng rubbing alcohol
  • Nagsasagawa ang lungsod ng buy-bust operation laban sa mga mapagsamantalang online sellers 
  • Nag-alok ang alkalde ng P10,000 reward sa mga tipsters para madakip ang mga hoarder ng alcohol

Magsasagawa ng buy-bust operation ang Biñan City sa Laguna laban sa mga online sellers ng mga alcohol na nananamantala sa sitwasyong idinudulot COVID-19 outbreak.

Imahe mula sa Biñan City PIO

Wala nang mabilhan ng mga rubbing alcohol sa mga pamilihan dahil sa panic buying ng publiko at ng mga mapagsamantalang resellers na nag-hoard nito para maibenta sa sobrang taas na presyo. Dahil dito ay nag-alok ang city government ng Biñan ng P10,000 reward sa mga tipsters.

Kung sinuman ang makapag-set up ng physical meetup sa mga abusadong online sellers ay makatatanggap ng pabuya.

Layunin ng buy-bust operation na matigil ang hoarding ng alcohol, ayon kay Biñan City Mayor Arman Dimaguila, Jr. Aniya, maaaring makipag-coordinate sa kanila ang sinumang may impormasyon para madakip ang mga online sellers na nag-o-overprice.

Isang police office na nakasuot ng pangsibilyang damit ang sasama sa tipster sa pagsasagawa ng operasyon. Hangga’t maaari, ang meetup ay sa loob mismo ng Biñan o sa mga kalapit-bayan, anang alkalde.

Ayon kay Mayor Dimaguila, nakatunog ang online seller sa una nilang operation noong Sabado, ika-14 ng Marso.

“Mukhang nakatunog,” aniya.

Imahe mula sa Where in Bacolod

Tiyak raw na naalarma na ang mga abusadong online sellers at hindi na sila gagawa ng transaksyon sa Biñan City dahil sa operasyon ng lungsod laban sa kanila, ayon sa mga followers ni Mayor.

“That’s precisely the point — to warn, scare them, and make them paranoid,” sagot niya.

Sana nga raw ay gumawa rin ang iba pang local government units ng hakbang na katulad ng ginawa nila laban sa mga abusadong online sellers.

Loading…