
- Bukod sa tubig at sabon, inirerekomenda ng WHO ang paggamit ng al
cohol na panglinis sa mga kamay - Ang pagpapanatiling malinis ng mga kamay ay napakaepektibong paraan upang makontrol ang pagkalat ng mga mikrobyo
- May dalawang uri ng alcohol ang karaniwang mabibili sa mga tindahan, ang ethyl at isopropyl al
cohol
Inirerekomenda ng World Helath Organization ang palagiang paghugas ng mga kamay upang makaiwas sa mga mikrobyo lalo na ngayong laganap na sa buong mundo ang novel coronavirus na nagsasanhi ng COVID-19.

Ang pagpapanatiling malinis ng mga kamay ay napakaepektibong paraan upang makontrol ang pagkalat ng mga mikrobyo.
Maaaring linisin ang mga kamay gamit ang tubig at sabon o kaya naman ay mga alcohol-based na mga pamahid sa balat.
Mabili ngayon ang mga rubbing alcohol dahil sa COVID-19 outbreak sa bansa, Sa katunayan ay nagkakaubusan na nito sa mga tindahan – ethyl alcohol man o isopropyl alcohol. Ang dalawang uri into ang karaniwang mabibili sa mga pamilihan.
Pero, alin ba sa dalawa ang mas mahusay o mas epektibong disinfectant?
Ayon sa public health expert na si Dr. Troy Gepte, parehong epektibo ang dalawa para sa disinfection.
“Itong ethyl alcohol, isopropyl, they’re about the same,” aniya.
Ang kaibahan lang daw ay mas makakapagpanuyo ng balat ang ethyl alcohol kumpara sa isopropyl.

“Except itong ethyl alcohol, medyo mas nakaka-dry lang siya pero ‘yong iba naglalagay ng mga moisturizer sa solutions nila,” paliwanag ng doktor.
Aniya, mas mataas daw ang effectivity ng alcohol na may 70% solution kaysa sa 40% solution.
Para kay Dr. Gepte, pinakamainam ang madalas na paghuhugas ng kamay dahil kung anu-anong bagay ang hinahawakan natin sa araw-araw na nagtataglay ng mga mikrobyo.
“Iyong frequent handwashing ang talagang makakatulong sa atin. ‘Yong maliit na bagay na paghuhugas ng kamay, malaki ang epekto niya na matatanggal ang mikrobyo sa kamay natin,” anang doktor.
