Anak ng unang Pinoy COVID-19 casualty, ibinahagi ang pinagdadaanan ng pamilya

Imahe mula sa Facebook | Liza Paqueo
  • Sa isang Facebook post, ibinahagi ng anak ng unang Pilipino na hindi nakaligtas sa COVID-19 ang kaniyang saloobin sa kinakaharap na pagsubok
  • Ang kaniyang ama ay nagpositibo rin sa COVID-19
  • Aniya, bukod sa mga pagsubok na ito ay dumagdag din sa kanilang dinadala ang mga kumakalat na maling impormasyon tungkol sa kanilang mga magulang

Hindi madali para kay Liza Paqueo ang kaniyang sitwasyon sa ngayon — ang kaniyang ina ang unang Pilipina na hindi naka-recover sa COVID-19 habang ang kaniyang ama naman ay nananatiling naka-quarantine.

I-click ang imahe para mabasa ang buong post

Sa kaniyang Facebook post, ibinuhos ni Liza Paqueo ang nararamdam sa sitwasyong kinalalagyan ng pamilya.

Aniya, ang kanyang magandang ina ay yumao nang mag-isa; wala ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa tabi niya.

“She was cremated, alone, without ceremony or tribute. My father is alone as well. He is at a Manila hospital, in stable condition and in quarantine. But he is in deep grief over the loss of his wife of 47 years — the love of his life.”

Aniya, nasa US silang tatlong magkakapatid at “maski ninanais namin na umuwi ngayon upang makasama ang aming ama, ay hindi namin magawa ito dahil sa payo ng aming ama. Iniisip niya ang kabutihan ng madla.”

Dagdag pa sa kanilang dinadala ay ang mga kumakalat na maling impormasyon tungkol sa kanilang mga magulang sa social media. “This has all resulted in panic, vi0lence, threats and stigmatization of our family and loved ones. Disclosure of private information has circulated as well.”

Ibinahagi rin niya ang mga katotohanan sa likod ng mga kumakalat na maling impormasyon.

Imahe mula sa Wikimedia Commons

Ang ina niya raw ay sumakabilang-buhay matapos ang kaniyang ika-67 na kaarawan. Noon lamang din daw nila nalaman na positibo siya sa COVID-19. Maging ang kaniyang ama ay nagpositibo rin dito.

Sa Maynila raw nakatira ang kaniyang mga magulang at ni hindi bumiyahe ang mga ito sa kanilang hometown na Surigao City. Nilinaw rin niya na walang domestic o international travel ang mga ito.

Dagdag pa ni Liza, hindi pa nila alam kung paano nakuha ng mga magulang nila ang COVID-19.

“No one knows how they contracted COVID-19, but Manila is a crowded, internationally mix city of 13 million people. Speculations as to where they got it from is unknown, and we are leaving that to the Department of Health,” paliwanag niya.

Panawagan din niya sa mga nakasalamuha ng kaniyang mga magulang mula Pebrero 29 hanggang Marso 11, mag-self quarantine sa loob ng 14 na araw. “If you have fever and cough, please report to the Department of Health. It is the responsible thing to do. There is no stigma to this disease.”

Source :

Facebook

Loading…