Andi Eigenmann, muling ipinakita ang simpleng buhay sa piling ni Philmar Alipayo

  • Isa sa mga artistang mas pinili ang payak na pamumuhay kasama ang mga mahal sa buhay ay ang aktres na si Andi Eigenmann
  • Mas pinili nitong manirahan sa Isla ng Siargao kasama ang partner na si Philmar Alipayo at ang anak nilang si Keliana Alohi Alipayo o Baby Lilo
  • Malimit na lamang makibalita ang mga fans ng aktres sa mga social media accounts nito, maging sa mga vlogs sa YouTube

Sa YouTube channel ni Andi Eigenmann na “Happy Islander,” itinampok niya ang ilan sa mga simpleng gawain nila sa isla kasama ang partner na si Philmar Alipayo at ang kanilang Baby Lilo.

Imahe mula sa Facebook page ni Andi Eigenmann

Kabilang na rito ang surfing, pag-akyat sa puno ng niyog para sa bunga nito, humigop ng sariwang sabaw ng buko, pamimitas ng bunga ng puno ng talisay, at pagkuha ng mga ilang piraso ng shellfish sa dalampasigan.

“We had so much fun in surfing in baby waves today. I’m so glad that Philmar joined us. Now we are having our merienda. Guess what we are having—coconut!” isa sa mga pahayag ni Andi.

Ang mga pinong buhangin, maaliwalas na karagatan, at mga puno ng niyog na makikita sa vlog ay naging kaiga-igaya sa mga manonood o subscribers ni Andi.

Pinagpitas ni Philmar si Andi ng buko para sa kanilang meryenda. Kumain din sila ng bunga ng puno ng talisay na tinatawag daw palang “Indian almonds” sa English. Kalasa raw nito ang almond.

Nangunguha din sila ng shellfish na ilalaga lamang nila para makain sa kanilang hapunan.

Makikita rin si Baby Lilo na natutuwa habang tinitingnan ang sarili sa harap ng camera. Nagpakitang-gilas pa ito sa pagtaas ng kaniyang mga paa na kinagiliwan ng kaniyang mga magulang, maging ng mga netizens.

“Every time I see Lilo it makes my day! She’s so pretty. I love her and the whole family. May God Bless you always. Genuine happiness,” ayon sa komento ng isang netizen.

Imahe mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

May humanga rin kay Andi dahil kahit dati itong sosyal ay kontentong-kontento na sa payak na pamumuhay sa probinsiya. Marahil ay natagpuan na umano ng aktres ang tunay na kahulugan ng kaligayahan.

Masuwerte rin daw ang sina Andi at Philmar dahil natagpuan nila ang isa’t isa.

Maaaring panoorin sa kanilang YT channel ang latest vlog:

Source :

YouTube

Loading…