Andres Muhlach, bagong modelo ng Bench

  • Modelo na ng sikat na clothing brand ang isa sa kambal na anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez
  • Masayang ibinahagi ni Andres Muhlach na kabilang na siya sa Bench Family
  • May mga nagsasabi naman na female version ni Charlene ang guwapong anak

Kabilang na rin si Andres Muhlach — anak na lalaki nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales — sa listahan ng mga Filipino celebrities na modelo ng Bench.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Andres ang kaniyang kasiyahan na mapabilang sa Bench Family. Pinasalamatan din niya ang founder nito na tatlong dekada nang pinangangasiwaan ang sikat na clothing brand.

Imahe mula sa Facebook page ni Andres Muhlach

“Glad to finally be a part of the BENCH/ crew. Thank you, @bcbench @benchtm for the warm welcome! Exciting times ahead! Can’t wait,” pahayag ni Andres.

Nagreply naman si Ben Chan sa post ni Andres, “A warm welcome to the Bench family! Happy to have you as our newest member.”

Ibinahagi rin ang post ni Andres ng kaniyang mga magulang sa kani-kanilang Instagram account bilang pagpapakita ng suporta sa kanilang anak.

May nagkomento pa nga sa post ni Charlene na natutuwa dahil pinayagan na nila ang anak. May nagkomento rin na tila female version ni Charlene ang anak na lalaki at napakaguwapo nito.

Makakasama rin ni Andres sa Bench Family ang minsang na-link sa kaniya na si Juliana Gomez — anak nina Richard Gomez at Lucy Torres. Matatandaan na siya ang prom date ni Juliana noong 2019.

Samantala, aktibo si Andres sa paglalaro ng basketball at naging isang international player pa ito.

Sa Instagram account ni Andres, makikita ang mga larawan nito kaugnay sa basketball.

Imahe mula sa Facebook page ni Andres Muhlach

Si Andres ay unang napanood bilang batang modelo ng isang Jollibee commercial kung saan kasama nito ang kaniyang buong pamilya. Ang commercial nilang ito ay nagkaroon ng tila remake noong 2018.

Susunod na rin kaya ito sa yapak ng kaniyang mga magulang sa pag-aartista?

Loading…