Ang cute! Mga lolo at lolang dating magkakaklase, nag-reunion na suot ang kanilang high school uniform

  • Trending sa social media ang larawan ng mga lolo at lola na nag-reunion suot ang kanilang high school uniform
  • Magkakaklase noon ang mga matatanda na muling nagsama-sama at sinariwa ang kanilang samahan noong high school
  • Marami ding netizens ang na-good vibes sa kakaibang konsepto ng kanilang reunion

Graduation ang isa sa pinakamasayang bahagi ng buhay ng mga mag-aaral. Ito na kasi ang hudyat na nagbunga ang lahat ng sakripisyo ng mga estudyante at nakaya nila ang lahat ng pagsub0k sa loob at labas ng paaralan.

At matapos ang ilang taon, maraming magkakaklase ang nagkakaroon ng reunion. Sa pagsasamang ito ay naibabalik ang alaala ng kahapon bilang magkakaeskwela at magkakaibigan na rin. Pero ang simpleng pagsasama-sama noon, isa nang malikhain at magarbong okasyon ngayon dahil sa mga temang naiisip nilang ipatupad.

Larawan mula sa Facebook post ni Sammy Pujalte

Ganito ang nilalaman ng isang post sa Facebook group na Memories of Old Manila. Makikita sa ilang larawan sa nasabing post ang muling pagsasama-sama ng mga magkakaklase na ngayon ay mga lolo at lola na. Pero ang kanilang reunion, may kakaibang twist — suot nila ang kanilang uniporme noong high school.

Tulad ng ilang reunion, pumarada rin ang mga lolo at lola bitbit ang ilang lobo. Siyempre, suot na rin nila ang kanilang mga uniporme noong high school. Bagong tahi naman ang mga ito dahil ang iba sa kanila ay nag-iba na rin ang porma ng katawan maging ang timbang.

Gayunman, kahit maputi na ang buhok ng iba at hindi na kasing kinis ng dati ang kanilang balat, cute na cute pa rin ang mga lolo at lola sa kanilang suot na uniporme. Maging sila naman ay enjoy na enjoy din sa kakaibang gimik ng kanilang reunion.

“Sarap mag-reunion tapos suot ang high school uniform dati,” caption ng nasabing post ni Sammy Pujalte sa grupong Memories of Old Manila. Marami ang natuwa sa kanilang nakita dahil talaga namang nakaka-good vibes na makakita ng mga nag-reunion na mayroong kakaibang konsepto.

Larawan mula sa Facebook post ni Sammy Pujalte

Dahil dito, umabot sa 6,600 reactions, 203 comments, at 488 shares ang nasabing post wala pang isang araw matapos ibahagi sa grupo. Kanya-kanya namang komento ang mga netizen sa mga lolo at lola na nakasuot ng kanilang mga uniporme.

“Oh napagkagandang tingnan. Sana ganito din sa amin. Nice concept,” pahayag ng isang netizen na natuwa sa tema ng reunion ng mga dating magkakaklase.

Loading…