Ang nakaaaliw na “street prank” ni Alex Gonzaga kasama si Kuya Jobert

  • Netizens naaliw sa latest vlog ni Alex Gonzaga
  • Kasama ni Alex sa vlog ang komedyanteng si Kuya Jobert
  • Agad nag-viral ang nakatutuwang vlog na pinamagatang “Street Prank by Alex Gonzaga”

Laugh trip na naman ang mga netizens dahil sa panibagong kakulitan na ipinakita ni Alex Gonzaga sa latest vlog niya na tinawag niyang “Street Prank by Alex Gonzaga.”

Kasabwat ni Alex sa prank ang komedyanteng si Jobert Austria na mas popular sa tawag na “Kuya Jobert.”

Screenshot mula sa vlog ni Alex Gonzaga

“Hello, netizens. Ngayon may gusto akong gawing challenge kasama ang aking kaibigan na imi-meet ko malapit sa Sogo. Dun ang aming meeting place dahil malapit sa kanya ang Sogo,” simula ni Alex sa vlog.

Harmless naman ang prank ng dalawa dahil mga laruan ang gamit nila at nakakatawa ang suot nilang 3D face masks. Isa pa, karamihan sa mga pina-prank nila ay kaagad na nakikilala si Alex.

Bilang pampalubag-loob ay inaabutan nila ng limandaang piso ang bawat napa-prank nila.

Isa sa mga nakatutuwang eksana ay ang pagpapa-picture ng mga na-prank kay Kuya Jobert kapag nakilala siya. At saka ang ale na hinabol pa sila dahil nakilalang si Alex Gonzaga ang nagbiro sa kanya.

“Si Alex Gonzaga ka pala, eh” sabi ng ale na sinagot ni Alex ng “Ate tapos na tayo, ah; at ni Kuya Jobert ng “Ate, parang may gusto ka pa, ah. Bingyan ka na ng pambili ng alugbati.”

Kahit ang walang kamalay-malay na aso at standee ni Jollibee ay hindi rin nakaligtas sa pagbibiro ng dalawa.

Screenshot mula sa vlog ni Alex Gonzaga

Umabot sa labintatlo ang nabigyan nila ng tig-500 pesos kaya nasabi ni Alex na sa lahat ng nangh0ldap ay sila ang nalugi.

Tinapos nila ang nakakatawang vlog sa loob ng Happy Cup, ang beverage business ng magkapatid na Alex at Toni Gonzaga.

Screenshot mula sa vlog ni Alex Gonzaga

Narito ang mga komento ng mga netizens sa vlog:

“One of the best vlogs of Alex ever. Laughtrip so much!”

“Favorite scene: nung hin0ldap ‘yung aso.”

“I am literally laughing with tears! The best collab!

Dahil marami ang natuwa sa latest vlog ni Alex ay agad nag-viral ang video na mayroon nang mahigit 1.5 million views makalipas lang ang dalawang araw sa YouTube.

Source :

YouTube

Loading…