Angel Locsin, nanawagan para sa kapakanan ng mga manggagawang apektado ng community quarantine

  • Kahit pa may mga kompanya na nagpapatupad ngayon ng ‘work from home,’ may ilan din na nagpapatupad ng ‘no work, no pay’
  • Dahil dito, marami sa ating mga manggagawa ang nawalan ng pagkakakitaan habang ipinatutupad ang community quarantine
  • Kaugnay rito ang panawagan ni Angel Locsin na mabigyan sana ng tulong ang mga pangkaraniwang manggagawa na nawalan ng pagkakakitaan bunsod ng COVID-19

Sa kabila ng pag-uutos na manatili muna sa loob ng pamamahay ang ating mga kababayan bunsod ng pagpapatupad ng community quarantine ay may mga tao pa rin na kailangang lumabas ng bahay upang magtrabaho.

Imahe mula sa Facebook page ni Angel Locsin

Ukol dito ang ibinahaging saloobin ng aktres na si Angel Locsin hingil sa COVID-19 na nakaaapekto ngayon sa kabuhayan at estado ng mga pangkaraniwang manggagawang Pilipino.

“My thoughts: Sa gitna po ng paglaganap ng COVID-19, walang sinoman na nasa matinong pag-iisip ang magnanais na lumabas sa matataong lugar para mahawa at makahawa ng sakit,” pambungad ni Angel sa isang Instagram post nito.

Dagdag pa ni Angel, kahit napakahalaga ng social distancing at proper hygiene ay hindi ito sapat para sa mga Pilipinong kailangang maghanapbuhay araw-araw para matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Ipinaliwanag din ng aktres na karamihan sa ating mga manggagawa ay mga contractual, self-employed, o mga tindera na wala umanong katiyakan ang araw-araw na kita.

Dahil dito, hiling ni Angel na tiyakin sana ng ating pamahalaan na makapagbibigay ng pinansiyal na tulong sa mga pangkaraniwang manggagawa.

“Kung matitiyak lang po sana ng ating pamahalaan na may financial support para sa kanila, hindi nila kelangang sumugal sa labas. Malaking bagay din kung may temporary stop on amortizations and loans o kahit pagtanggal sa interest & penalties,” mungkahi ng aktres.

May kahilingan din si Angel sa malalaking kompanya.

“Sana rin ay magbigay ng consideration ang mga kumpanya ng basic utilities like kuryente at tubig bilang kawanggawa sa mga mahihirap na apektado ng dislocation sa trabaho.”

Siyempre, may iminungkahi rin si Angel para sa mga kumpanya na tutulong sa kanilang mga manggagawa.

“Sa mga companies na tumulong sa mga empleyado, sana bigyan po ng tax break para wag malubog ang mga kumpanya. And also, I hope Philhealth will shoulder treatment for those who have CoVid19,” paliwanag ni Angel.

Imahe mula sa Facebook page ni Angel Locsin

Samantala, pinasalamatan naman ng aktres ang mga public officials, kapulisan, militar, at iba pa na nagsisikap na mapanatili ang kaligtasan ng publiko. Sinaluduhan din ni Angel ang mga health workers na hindi napapagod tuparin ang kanilang tungkulin sa bayan.

Source :

Instagram

Loading…